Ang ‘bomba’ ni Bong
USAP-USAPAN ngayon sa lahat ng kanto ang bombang pinasabog ni Sen. Bong Revilla laban kina Presidente Aquino at DILG Sec. Mar Roxas.
Sari-sari ang reaksyon ng mga netizens. May kumampi kay Revilla at may pinagtawanan at binatikos siya. Anang iba: “maganda ang presentasyon niya sa privilege speech pero palpak ang script.†Maganda ang delivery ni Revilla na lipos ng emosyon. Naroroon pa ang kanyang matanda nang ama na si Don Ramon na dati ring Senador na lumuluha habang nagdidiskurso ang anak sa bulwagan ng Senado. Maski papaano, may emotional impact ito sa mga taong nanonood sa telebisyon.
Sabi naman ng nakararami “too late the hero.†Bakit daw ngayon lang? Yun namang iba na kampi sa kanya ay sumisigaw nang “sige, hataw pa panday!â€
Gusto kong maging objective. Wala akong papanigan sa nag-aakusa at inaakusahan. Pero tingin ko lang, ano man ang gawin ni Revilla ay sasabog sa kanyang mukha. Nakondisyon na ang maraming mamamayan na siya at ang mga kasamang senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ay talagang “guilty†sa ikinakaso sa kanilang P10 bilyon pork scam.
Kung tuluyan siyang di kumibo, sasabihin ng tao na, “ah guilty nga!†Pero ngayong nagsalita siya para depensahan ang sarili ay marami ang nagdududa at ayaw maniwala.
Revilla is in a damn if you do, damn if you don’t predicament.
Ang inaakala ni Revilla na pinakamatinding pasabog ay ang luma nang isyu na pag-impluwensya ni PNoy sa mga senator- judge noon na hatulan ng guilty si Renato Corona upang mapatalsik bilang Supreme Court Chief Justice.
Ani Revilla, si Mar Roxas pa mismo ang sumundo sa kanya para ihatid sa Malacañang at doo’y sinabihan siya ni PNoy na “ibalato†sa kanya ang paghatol ng guilty kay Corona.
Maganda ang buwelta ni PNoy sa akusasyon ni Revilla. Inamin niya na totoong kinausap niya ang mga Senador hindi para diktahan kundi upang sabihing ikonsidera nilang mabuti ang merito ng kaso laban may Corona.
Bagamat marami ang nagsasabing improper ang ginawang pakikipag-usap ng Pangulo sa mga Senador, may mga nagsasabing tumpak ito dahil interes ng bayan ang nakataya.
Ano sa palagay ninyo?
- Latest