Ang aral sa kuwento ni OFW Bong
SI Alberto “Bong†Roy ay dating OFW sa Abu Dhabi, UAE. Ambassador ako sa UAE noong 1994 to 1998 nang siya ay nahuli sa Abu Dhabi airport nang makitaan siya sa kanyang maleta ng bawal na gamot. Nahatulan ng siyam na taong pagkabilanggo si Bong, pero halos wala pang dalawang taon, naipakiusap ko kay Sheikh Zayed bin Sultan al Nahayyan ang Presidente ng United Arab Emirates para siya mapalaya.
Naniwala ako sa paliwanag sa akin ni Bong na hindi niya alam kung sino ang nagsingit sa kanyang maleta ng bawal na droga. Taga-Surigao City si Bong at bago siya umalis ng Pilipinas noon, nakituloy muna siya sa bahay ng kaibigan na marami ring OFWs na pansamantalang nanunuluyan bago pumunta sa ibayong dagat. Kaya hindi ako nag-atubili na ipakiusap si Bong sa Sheikh.
Ang turing sa krimeng illegal possession of prohibited drugs ay isang “malum prohibitumâ€. Ibig sabihin nito, hindi na tinitingnan ng batas kung may criminal intent ba o wala ang isang taong may dalang droga. Immaterial kung ano ang nasa isip ng offender. Sapat na para sa mga awtoridad na nahuli siyang may dalang prohibited drugs para siya ay maaresto, malitis, at masentensiyahan ng pagkabilango o bitay depende sa quantity ng droga na nasa possession niya.
Nakauwi nang matiwasay si Bong at nagnegosyo ng hamburger sa Surigao City na ang pangalan ay “Jolly Bong’ Hamburgers†pero hindi masyadong kumita kaya kinuha ko siyang empleyado ng ating OFW Family Party-list. Ang aral sa kuwento natin tungkol kay Bong ay dapat inaalam nang husto ng OFWs kung anu-ano ang mga pinadala sa kanila. At dapat may lock ang mga maleta nila para maiwasan ang kung anu-anong isinisingit sa loob nito.
- Latest