^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lipulin ang drug syndicate

Pilipino Star Ngayon

KUNG pagbabatayan ang mga report ukol sa pagkakadiskubre ng mga illegal na droga sa buong bansa, masasabing narito na nga ang notorious na Sinaloa drug syndicate. Ang nasabing sindikato ay nagmula sa Mexico at itinuturing na makapangyarihan doon sapagkat kayang hawakan ang ang mga mambabatas. Maraming pera dahil kumamal sa illegal na droga. Lahat ay kaya nilang gawin sa Mexico. Pinapatay nila ang mga miyembro na naghuhudas sa kanilang operasyon. Ang lider umano ng Sinaloa syndicate ay si Ismael “El Mayo” Zambada, subalit makaraang mahuli ito ng mga awtoridad ay ang anak na  si Jesus Vicente Zambada-Niebla na ang umaaktong lider.

Nakaaalarma ang balitang ang Sinaloa drug syndicate na ang nangungunang nagsusuplay ng illegal drugs sa bansa at naungusan na ang African drug syndicate. Mas malawak umano at mas maraming ga-lamay ang Sinaloa at kayang mag-produce ng illegal drugs, particular na ang amphetamine hydrochloride o shabu. Ayon sa mga awtoridad, pitong buwan nang nag-ooperate sa bansa ang Sinaloa.

Kamakalawa, isang shabu laboratory sa condominium unit sa Bonifacio Global City ang sina-lakay ng NBI at nakakumpiska ng shabu, cocaine at ecstacy na nagkakahalaga ng P100 million. Dalawang Filipino-Canadian at isa pang foreigner ang naaresto. Pinaniniwalaan silang konektado sa Sinaloa syndicate.

Noong nakaraang Disyembre, sinalakay ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu lab sa LPL ranch sa Lipa, Batangas. Nakakumpiska ng 84 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P420 million. Tatlong suspects ang naaresto na sinasabing konektado sa Sinaloa syndicate.

Noong Miyerkules, isang shabu lab din sa isang condo sa Makati City at Pamplona, Las Piñas City ang sinalakay at nakakumpiska nang maraming shabu. Isang African ang naaresto sa Las Piñas raid.

Ang pagkilos ng PNP, NBI at PDEA ay nararapat sa panahong ito na tila pinamumugaran ng drug syndicate ang bansa. Bago pa makapagparami ng galamay, kailangang putulin na ang mga ito. Mga kabataan ang karaniwang biktima ng droga. Iligtas sila bago pa masira ang kinabukasan. Ugat din ng krimen ang pagkasugapa sa droga.

 

BONIFACIO GLOBAL CITY

DALAWANG FILIPINO-CANADIAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EL MAYO

ISANG AFRICAN

JESUS VICENTE ZAMBADA-NIEBLA

LAS PI

SINALOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with