Pinaka-mataas ang pinaka-mababa
SA pinakahuling nationwide survey ng PULSE Asia (ipinatupad noong Dec. 8 hanggang 15 at itinuring na sakop ang last quarter ng 2013), nabawasan ang approval (73%) and trust rating (74%) ni Pangulong Aquino. Mataas pa rin ito hambing sa record ng ibang naging Pangulo subalit kung ihahambing sa nauna niyang mga mataas na iskor, makikita na kumonti nga ang bilang ng mga kababayan nating kumakatig at nagtitiwala sa kanya.
Sino naman ang hindi babagsak ang grade kung katatapos lang nun ang trahedya ng Yolanda na hinubaran hindi lamang ang mga komunidad sa Visayas kung hindi na rin ang imahe ng pamahalaan – nabuking ang kahinaan nito sa paghanda at pagresponde sa krisis. Pero habang netong positibo pa rin ang rating ni P-Noy, hindi ito dapat mangamba na mawalan ng suporta ng taumbayan sa kanyang mga programa.
Si Vice President Binay naman ay patuloy ang pag-angat ng rating. Siya na ang pinaka-mataas ang posisyon sa mata ng taong bayan pagdating sa paghanga at pagtitiwala (80% at 77%). Maaring hindi ganoon karami ang katungkulan ng Bise kung kaya hindi rin ganun katutok ang pagsuri sa kanyang performance. Subalit hambing sa ibang naging VP, gaya ni Noli de Castro – walang umabot sa ganyang kataas na rating sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang malaking ibinaba sa estimasyon ng tao ay si Se-nate President Frank Drilon (43% and 40%) habang sina Speaker Sonny Belmonte at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay kapwa tumaas ang rating.
Ang pagsuri sa approval/disapproval rating at trust/distrust sa ating mga matataas na opisyal ay mabisang instrumento upang maintindihan ng ating mga pinuno kung ang kanilang ginagawa ay tama o mali. Hindi kaila-ngan hintaying matapos ang tatlo o anim na taong termino at magka-eleksyon (ang Chief Justice nga ay hindi halal at maninilbihan hanggang umabot sa edad 70) bago magkaalaman kung nakatulong ba ang performance nila upang i-angat ang kalidad ng ating buhay. Kapaki-pakinabang din ito para mismo sa atin upang mapangatawanan kung tama nga ang unawa natin sa mga ikinikilos ng ating opisyal.
- Latest