^

PSN Opinyon

Political will vs. smuggling sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na sino pang “Pilato’ ang iupo ng Pangulo sa Philippines my Philippines sa Bureau of Customs para sugpuin ang smuggling operations dito ay walang mangyayari hangga’t walang ‘political will’ ang itaas at ang ibaba.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, balasahin man nang balasahin ang mga empleado rito kahit na from top to bottom wala pa ring mangyayari sa mga kurap sa bureau dahil para sa kanila ay nabago lamang ang kanilang mga makikilalang smuggler sa puerto o customshouse na pupuntahan ng mga kamote.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang importante ay ang ‘political will’ ang dapat pairalin ng gobierno para labanan at isama na rin ang mga kakutsabang mga bugok na opisyal ng BOC sa kaso.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi porke sinampahan ng kaso ang mga nagkutsabahan dapat itong bantayan kung ano ang nangyayari sa usad ng case problem laban sa mga culprit.

Ang masama kasi sa bureau kapag nasabit ang isang opisyal sa bureau sa extortion, smuggling echetera ay inililipat lamang ng puesto ang mga kamoteng ito.

‘Ang hindi alam ng mga baguhan upo sa bureau ay kung sino ang koneksyon o kamag-anak nito sa gobyerno na siyang lumalakad para maibalik muli ang mga bugok nilang pina-padrinuhan sa mga juicy position.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga bugok sa bureau na kasabwat ng mga smuggler kahit na may kaso pa ay muling nakakabalik sa kanilang puesto dahil mismong puma-padrino sa kanila ay ang kanilang mga bossing sa BOC dahil sila ang mga nagsisilbing ‘bagman’ sa kanilang mga amo kaya mahirap silang isuka.

Ang importante dapat ang Legal Division ng BOC sa central office ang dapat magbigay sa mga bagong upong Commissioner, Intelligence chief o enforcement ng mga dokumento kung sinu-sino ang mga tauhan sa BOC na may mga kaso ng extortion o sabit sa smuggling.

Kaya naman political will ang kailangan dito at hindi ningas cogon!

 Abangan.

* * *

Tigdas outbreak

NAGTATAKA ang madlang people sa Metro - Manila at iba pang parte sa Philippines my Philippines kung bakit nagkaroon ng ‘tigdas outbreak’ sa iba’t ibang places.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang tigdas dahil nakakamatay ito oras na napabayaan ang maysakit.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ngayon lamang umaksyon ang Department of Health matapos dumami ang may mga sakit na tigdas.

Sabi nga, ano ang ginagawa nila?

Ika nga, noon wala pang outbreak?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil lumalala ang sakit na tigdas sa iba’t-ibang lugar ay nagkukumahog ngayon ang DOH para matulungan ang may mga sakit?

Bakit nga ba?

Hindi na mapagkakaila sa madlang people na grabe as in grabe ang tigdas ngayon hindi na ito biro kaya naman dapat nagkakandarapa ang DOH na mahilot ang outbreak na ito.

‘Sino ba talaga ang nagpabaya kaya nagkaroon ng tigdas outbreak ang DOH ba o ang mga nagkasakit?’

Abangan.

ABANGAN

ASSET

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF HEALTH

KUWAGO

LEGAL DIVISION

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with