^

PSN Opinyon

Walang basehang kilos

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UNANG nagpatupad ang China ng tinatawag na Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa mga himpapawid malapit sa Japan at South Korea. Binatikos sila nang maraming bansa para sa kanilang pag-aangkin na lang ng mga teritoryo na pinagtatalunan pa. Sinubukan nga kaagad ng Amerika ang kanilang ADIZ at sadyang pinasok ito ng mga eroplanong pandigma nang walang paalam o pahintulot sa China. Wala namang nangyaring di kanais-nais. Pero may mga bansa na sumunod sa bagong patakarang ito, kaya tuloy pinatutupad pa rin ng China. Kasama ang Amerika sa mga bansang iyan.

Ngayon naman, isang hakbang na puwedeng pagmulan ng karagdagang tensyon sa rehiyon ang pinatutupad ng bansa. Ayon sa kanila, kailangan munang magpaalam ang lahat ng mangingisdang gustong pumasok sa karagatan, na inaangkin nga ng China. Kailangan aprubahan muna ng China ang mga barkong pangisda na gustong pumasok sa West Philippine Sea at mangisda. Tandaan na may reklamo pa tayong inangat sa United Nations hinggil nga sa problema ng pag-aangkin ng China sa buong karagatan at mga isla sa loob nito. Wala pang desisyon ang UN, pero tila nagdesisyon na ang China na sa kanila ang karagatan. Kung susundan ang bagong patakarang ito, kailangan nang magpaalam ang lahat ng barkong pangisda sa China bago makapaghanapbuhay. 

Kung susunod tayo, para na rin nating sinang-ayon na sila nga ang may-ari ng dagat, at nakikisawsaw lamang tayo. Kung hindi naman tayo sumunod, ano ang gagawin nila? Manghuhuili, mananakit, papatay? Walang basehan ang kanilang kilos na ito, maliban sa pagiging arogante lamang. Arogante na bunsod nang malakas na ekonomiya’t militar. Napag-alaman na naka-istasyon ang kanilang bagong aircraft carrier, pati na ang ilang barkong pandigma sa Hainan, na may hurisdiksyon sa nasabing dagat. Tila banta na rin sa lahat ng bansang hindi susunod sa bagong patakaran.

Natural na umalma ang Amerika sa kilos na ito. Pero tulad ng kanilang ginawa sa ADIZ, pinayuhan din nila ang lahat ng eroplanong papasok sa ADIZ na sumunod sa bagong patakaran. Paano pala sila seseryosohin ng ibang bansa? Kailangang mamulat ang mundo sa mga ikinikilos ng China. Mga kilos na walang basehan kundi salita lamang. May mga pagtatalo pang nagaganap sa mga tamang ahensiya, tamang pagtitipon. Wala pang desisyon ang hukuman ng mundo hinggil dito. Kung bakit ganito ang kilos ng China ay sila na lang ang nakaaalam, pero hindi dapat masama ang epekto sa ibang bansa. Umaandar na naman ang pagiging maton ng bansang ito. Kung maraming bansa ang apektado, hindi ba dapat magkaisa na laban sa mga kilos ng China?

AIR DEFENSE IDENTIFICATION ZONE

AMERIKA

AROGANTE

CHINA

PERO

SOUTH KOREA

UNITED NATIONS

WALA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with