^

PSN Opinyon

EDITORYAL -Bangis ng riding-in-tandem

Pilipino Star Ngayon

SUNUD-SUNOD ang mga krimen na ginawa ng riding-in-tandem. Apat na tao na ang kanilang napapaslang ngayong Enero. At ni isa sa mga mamamatay-tao ay wala pang nadadakma ang mga pulis. At ang masaklap, pati pulis ay nabibiktima rin ng riding-in-tandem. Kaya kung ang pulis ay walang awang binabaril ng riding-in-tandem, paano na ang mga karaniwang tao na walang kalaban-laban.

Noong Martes, dalawang magkasunod na pagpatay ang ginawa ng riding-in-in-tandem. Unang nabiktima ay ang pulis na si PO1 Aldrin Laguerta Castro, 25, ng Lower Bicutan at naka-assigned sa Quezon City police. Nakasakay sa kanyang motorsiklo ang unipormadong pulis at papasok na sa trabaho dakong 5:30 ng madaling araw nang sundan at sabayan ng riding-in-tandem. Binaril sa ulo ang pulis na noon ay naka-helmet. Bumulagta ang pulis. Nilapitan ng killer at kinuha ang baril nito at saka tumakas.

Ang ikalawang biktima ng araw na iyon ng riding-in-tandem ay isang doctor na naka-assigned sa National Bilibid Prisons (NBP). Nakilala ang biktima na si Dr. Juan Villacorta, part time doctor din sa Alabang Medical Center. Apat na beses siyang binaril. Nangyari ang krimen sa Bgy. Putatan, Muntinlupa dakong 3:45 p.m.

Ang ikatlong biktima ng riding-in-tandem noong Miyerkules ay isang manager ng Navotas shipyard na nakilalang si Valentino Aquino, 39. Nakasakay sa kanyang scooter ang biktima nang pagbabarilin ng tandem sa Navotas Bridge dakong 4:30 ng hapon.
Noong Miyerkules, isang 39-anyos na negosyanteng babae ang tinambangan ng riding-in-tandem sa Bagumbayan, Libis, Quezon City. Nakilala ang biktima na si Arlene Garcia. Pinagbabaril siya habang nakasakay sa kotse at patungong opisina. Wala pa ring lead ang Philippine National Police sa nangyaring pagpatay na isinagawa ng riding-in-tandem.

Walang kasingbangis ang riding-in-tandem at hindi na natatakot sa mga awtoridad. Anong nangyayari sa ating bansa at nagiging karaniwan na lamang ang pagpatay na isinasagawa ng riding-in-tandem. Nagpapakita ito ng kahinaan ng pulisya sa pagsamsam sa mga baril at ang kakulangan nila sa pagpapatrulya sa kalsada. Dapat nilang protektahan ang mamamayan.

ALABANG MEDICAL CENTER

ALDRIN LAGUERTA CASTRO

APAT

ARLENE GARCIA

DR. JUAN VILLACORTA

LOWER BICUTAN

NAKASAKAY

QUEZON CITY

RIDING

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with