Airport screening
MARAMING beses nang nalusutan ng mga “kuwestyuÂnableng†tao ang mga awtoridad sa mga airport. Gamit ang pekeng pagkakakilanlan, ang mga delingkwenteng dayuhan, malayang nakapapasok sa ating bansa.
Sa anumang mga kadahilanan at katiwalian, ang mga isyung katulad nito, hindi pa rin natutuldukan ng pamahalaan.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ginagawang palaruan ng mga taong kuwestyunable ang katauhan ang Pilipinas, ang maluwag na sistemang ipinatutupad. Kaya, kung talagang gugustuhin nilang makalabas-masok sa bansa at gawin ang kanilang ilegal na aktibidades, napakadali lang para sa kanila ang magtayo ng teritoryo.
Hindi pa kasama rito ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nakikipagsabwatan sa mga kaduda-dudang tao.
Ikinakasa ngayon ng Bureau of Immigration ang pagpoposte ng mga biometric capturing machine sa bawat airport. Ayon sa ahensya, kaya nitong tukuyin ang totoong identidad ng passport holder alinsunod sa pirma at litratong nasa dokumento.
Sa madaling sabi, maiiwasan na ang mga insidente ng pandaraya, panlilinlang at pagpepeke ng mga identipikasyon ng mga nagnanais makapasok sa Pilipinas.
Sa US, synchronized ang pagtatala sa pagkakaki-ÂlanÂlan ng bawat mamamayan sa kanilang data base. Sakali mang gumawa ng krimen ang isang tao, madali siyang natutukoy.
Kumpara sa Pilipinas, walang sentralisadong record ang mga ahensya ng pamahalaan sa bawat residente nito.
Ang anunsyong paglalagay ng mga biometric capturing device sa mga paliparan ay planong ikinakasa pa lamang ng Immigration. Inaasahang sa unang tatlong buwan ng 2014, darating ang mga bagong kagamitan para sa kanilang operasyon.
Hangga’t walang data base ang mga awtoridad na magiging basehan ng rekord ng bawat pumapasok at lumalabas sa bansa, maituturing ang proyektong ito na “papogi†at “moro-moro†lamang.
- Latest