^

PSN Opinyon

Matinding lamig

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG dito sa atin ay hindi masyadong naramdaman ang lamig na kadalasang dala ng Pasko, matindi naman ang lamig na dinaranas ng ilang bahagi ng America ngayon. Naitala ang pinaka-malamig na temperatura sa Central America sa loob ng dalawang dekada, at tila patuloy pa rin ang paglamig nito na patungo sa silangang bahagi ng bansa. May mga kausap akong mga kababayan nating nakatira sa mga lugar na iyon tulad ng Chicago at Minnesota, at napakatindi nga raw ng lamig. Masakit na sa balat kahit sanay sa sila sa lamig. Maraming Pilipino sa New York, at sila naman ang naghahanda na para sa parating na lamig.

Naisip ko lang na kung sa atin nangyari ang matinding lamig. Mas kailangan ng makakapal na damit, heater ang kailangan at hindi aircon, at kailangan na rin ng mga fireplace tulad ng mga bahay sa Baguio ang lahat ng tahanan sa bansa. Sa mahal naman ng kuryente natin, maraming mamumulubi sa kakabayad ng heater para lang hindi ginawin. At ang mga mahihirap ang tatamaan ng matindi. Mga tahanan na wala namang insulasyon sa lamig, at wala ring kuryente ang karamihan. Kung meron man, ano ang ipambabayad nila para maging kumpor-table lang? Wala naman tayong mga “shelters” na pwede munang tulugan ng mga walang tahanan.

Sabi ng isang kaibigan ko, mas madali raw maghanap ng init kapag malamig, kaysa maghanap ng lamig kapag mainit. Ito ang kanyang naging opinyon nang bumisita sa bansa kailan lang. Nahirapan siya sa init ng panahon. Sa tingin ko ay sanayan din lang. May mga kilala rin naman ako na bumalik na sa bansa dahil hindi na raw nakayanan ang lamig. Imbis na tumira sa mga lugar na magagandang klima tulad ng California na ubod naman daw ng mahal, bumalik na lang sa bansa. Kung marami kang pera siguro tulad ng ilang pulitiko diyan, hindi problema ang bumili ng bahay sa California.

Hinihintay ko pa rin ang lamig sa atin. Ang sabi ng PAGASA ay parating na raw ang malamig na simoy. Sa Baguio nga ay malamig na. Sobra na nga at nasisira na ang mga tanim. May pinsala ring dala ang sobrang lamig. Kaya maganda na rin ang klima ng ating bansa. Huwag lang sana dumating ang mga bagyo tulad ng Yolanda, Ondoy at matinding habagat, okay na tayo. Hindi na ako magrereklamo.

BANSA

CENTRAL AMERICA

HINIHINTAY

LAMIG

LANG

MARAMING PILIPINO

NEW YORK

SA BAGUIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with