^

PSN Opinyon

Concert for a cause

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISANG umaatikabong tugtugan na ini-sponsor ng Muntinlupa City Square and Compass Club, Inc., sa pangunguna ni Kuyang Biyong Garing, dyan sa Hard Rock Cafe, 3rd level, Glorietta, Ayala Center, Makati City sa January 22, 2014 (Wednesday) sa ganap na 8pm.

Pulis ang nagpapasugal sa Taguig

ISANG bugok sa Philippine National Police na nakatalaga sa Taguig City ang siyang may pasugal ng jueteng at lotteng dito.

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas ang loob nang bugok na pulis na may alyas na Nonong ‘kabag’ dahil isa siya sa foolish cop ng Taguig.

Ngayon araw tiyak alam na ni PNP Chief Allan Purisima ang bolahan ni Nonong ‘kabag’ sa may palengke ng Signal Trayam, Taguig City malapit sa paradahan ng tricycle at ang mga kasangga nitong sina Boy Orosco, operator at ang financier na isang Jorol dahil sa dyaryong ito.

‘Sino ang unang aaksyon sa sugalan ni foolish cop Nonong ‘kabag’ para hulihin ?’

Abangan.

***********

Imbestigasyon sa BI - BBS sa isyu ng ‘laundry fee’

NAGTIWALA ang Malacanang kay Bureau of Immigration Commissioner Siefred Mison kaya permanente na ito sa position at  dinagdagan pa sila ng budget kahit maraming bugok dito. Hehehe !

Hinimok ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Mison na dapat nang mabasag ang mga bugok sa BI.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan busisiin ni Mison at dapat may managot na mga opisyal at tauhan ng BI - Boarding Bay Service sa ginawang ‘pangongotong’ sa mga international passenger sakay ng Royal Carribean Cruise Lines matapos itong magsumbong sa Department of Tourisim at hindi inaksyunan ni dating BI Commissioner Ric David.

Ayon sa sumbong na ipinarating ng RCCL sa DOT nagtataka sila kung bakit pinagbabayad ng US$250.00 each ang mga banyagang bumababa ng cruise ship para mamasyal sa mga lugar na ipinagmamalaki ng Philippines my Philippines para puntahan at pasyalan.

Sabi sa reklamo ng RCCL ang US$250 each passenger ay ‘laundry fee’ ng Bureau of Immigration.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang pseudo name lamang ang laundry fee ito ay facilitation fee para sa mga bugok dyan sa BI - BBS.

Million of pesos anomaly ito kaya dapat lang busisiin ni Mison ang opisina ni Teody Pascual, hepe ng BI-BBS para magkaalaman na kung totoo ang reklamo ng RCCL sa DOT o hindi.

Abangan.

****************

Putatan Barangay Captain is asking help

GUSTONG pabusisi ni Putatan Barangay Capt. Danilo Teves ng Muntinlupa City, sa liham niya Commission on Audit dahil sa pagkawala ng mga ilang importanteng kagamitan sa Barangay office matapos magkaroon ng imbentaryo kaya naman gusto ng una kalkalin ito ng huli.

Ayon kay Teves, tinalo niya sa katatapos lang na Barangay election si Bgy. Capt Bes Masangkay, kapatid ni Senator Cynthia Villar pero laking pagtataka nila ng hanapin nila ang mga sasakyan, motorsiklo at iba pang kagamitan sa Barangay dahil nawawala ang mga ito.

Asan?

Ipinamigay kaya?

Kuento ni Teves, nang bumaba siya sa puesto bilang Barangay Capt ng Putatan ng talunin siya sa election ni Masangkay noon unang laban nila ay alam niyang may mga importanteng kagamitan sa Barangay office na iniwanan dito.

Ayon kay Teves, nang muling silang magharap ni Masangkay sa ikalawang pagkakataon at talunin niya ito sa eleksyon nagulat siyang dahil maraming wala na kagamitan sa Barangay office.

Sabi ni Teves, sinulatan ng kanyang abogado ang COA para magsagawa ng pagbusisi sa ‘missing link’ para magkaroon siya ng basehan para sampahan niya sa proper forum ng kaso ang mga kumuha.

Abangan.

 

ABANGAN

AYON

BARANGAY

MISON

NONONG

PARA

TEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with