Mga corrupt sa BOC sibakin!
MATAAS ang pangarap ni Commissioner John Philip Sevilla na maibangon ang namamahong Bureau of Customs (BOC). Ayon sa kanya, mula pa sa pagkabata, samu’t saring anomalya na ang kumukulapol sa ahensya. Ang kanyang lolo at tatay ay Customs broker kaya alam niya ang baho sa ahensiya. Kamay na bakal ang dapat ipairal ni Sevilla para mabawasan ang pamama-yagpag ng mga korap sa Customs dahil kapado na niya ang modus operande ng smugglers. Di ba mga suki? Ngunit hindi raw niya ito kakayanin kung siya lamang ang kikilos sa pagsawata ng bigtime smugglers. Inaanyayahan niya ang mga kawani na tulungan siya sa pagmanman sa smugglers para mapalayas sa Customs.
Bilang tugon sa kahilingan mo Commissioner Sevilla, narito ang tips mula sa mga nagmamalasakit na Customs employees. Idilat mo ang iyong mga mata at talasan ang pandinig sa Intelligence Group dahil ito ang ginagapang ng smugglers ngayon. Atasan mo si Deputy Commissioner Jessie Dellosa na pairalin ang No Tara Policy (NTP) tulad ng pinaiiral ni dating Deputy Commissioner Danny Lim para masawata sina “Big Mamaâ€, “Madame T†at “Mr. T†na close-friend umano ng “WangWang Boys†ng Intelligence Group (IG) sa kilala sa mga alyas na “Rubber†ng MICP; “Atina†ng POM; “Sucker ng IG; “Ala-e Dyan-e†at “Ulaner†ng CIIS; at ang sikat na Ulikba Twins†na sina “Debura†at “Kabulastug†ng Risk Management Office.
Kapag pinairal mo ang NTP at pagbabantay ni Dellosa, tiyak matitigil sina “Big Mamaâ€, “Madame T†at “Mr. T†sa South Harbor, MICP at maging sa mga departamento ng Customs sa lalawigan. Tiyak na matutunaw ang protection racket ng “WangWang Boys†sa Intelligence Group, pati ang weekly tara collection ni “Abu Sablay†at alyas “Cabayot†na amo ng kilalang manlalaro na Setev Brothers.
Panahon na para ipakita sa sambayanan ang iyong bangis sa smugglers. Hinihintay ng sambayanan ang pagsibak at pagpapakulong mo sa mga korap na Customs employees na kasabwat ng smugglers. Abangan!
- Latest