Mandatory drug testing
DAHIL sa tumataas na bilang ng mga karumal-dumal na krimen, pinag-aaralan ng Philippine National Police ang mandatory drug testing sa bawat mahuhuling suspek. Ito ay upang masugpo ang underground industry na dahilan ng pagtaas ng kriminalidad.
Sa araw-araw na mga nasasangkot sa iba’t ibang uring krimen, aminado ang PNP na wala silang database ng mga naaaresto. Sa ipinaiiral na police procedures, wala sa hurisdiksyon ng ahensya ang magsagawa ang drug test maliban na lang kung ang suspek ay talagang inireklamo sa droga.
Bilang bahagi ng imbestigasyon. alinsunod sa mandatory drug testing, lahat ng mga mahuhuling suspek ay isasalang sa drug examination. Kung susunsunin ang kalagayan ng droga sa bansa, epekto at puro “reaksyon†na lang ito sa “totoong†problema. Sa pagsisimula pa lang ng taon, naging sentro na ang usapin ng illegal drugs sa Pilipinas. Maraming kongresista at senador ang nakikisawsaw. Kanya-kanya silang bersyon ng panukalang batas. Marami ang “bulag†sa totoong problema.
Nitong mga nakaraang araw, sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigael Valte na pinaiigting na ng Palasyo ang seguridad sa mga “entry point†na maaaring pinagpupuslitan ng mga ilegal na droga. Ang totoo, kaya hindi masugpo-sugpo ang illegal drugs ay dahil may mga pumo-protekta at nakikipagsabwatan sa hanay ng ehe-kutibo, lehislatura at hudikatura.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi matulduk-tuldukan ang matagal ng industriya. Ang Philippine Drug Enforcement Agency na ahensyang nakatutok dito, nananatiling pilay sa pakikipag-giyera sa mga drug syndicate.
Ayon sa PDEA, taon-taon, humigit-kumulang lamang sa kalahating bilyong piso ang nakalaan nilang pondo. Hindi pa kasama rito ang mga kulang nilang kagamitan. Kahit libo-libo pang operasyon, eksaminasyon at panukalang batas ang ikasa ng pamahalaan kung wala namang “sapat†na suportang natatanggap ang mga awtoridad na pakikipag-“patayan†laban sa mga sindikato, patuloy pa ring magtatagumpay ang mga kartel sa bansa.
- Latest