EDITORYAL - Bantayan ang mga anak sa paputok
MGA bata ang karaniwang biktima ng paputok. Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 170 na ang biktima ng paputok at inasahang tataas pa bago magpalit ang taon. Noong nakaraang taon, nasa 167 ang naitalang nabiktima ng paputok at karamihan ay mga bata. Mas matindi naman ngayon ang mga paputok sapagkat malalakas. Parang mga bomba na kung sumabog na nagwawasak sa eardrum.
At kung kayang wasakin ng mga paputok nga-yon ang eardrum, mas lalong kayang wasakin ang kamay ng nagpapaputok. Kapag nawasak ang kamay, wala nang magagawa ang mga doctor kundi putulin ito upang maiwasan ang impeksiyon.
Katulad ng ginawa sa isang 14-anyos na binaÂtilyo sa Cebu na pinutol na ang kanang kamay makaraang masabugan ng “Super Yolandaâ€.
Ang “Super Yolanda†ang sinasabing pinaka-malaÂkas na paputok ngayon. Kinuha ang pangalan sa bagyong nanalasa sa Visayas Region noong Dec. 8, 2013 na ikinamatay nang mahigit 6,000 tao. Pumapangalawa sa “Super Yolanda†ay ang “Goodbye Napoles†na matindi rin ang pagsabog at kayang wasakin ang mga kamay. Kinuha ang pangalan sa umano’y pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.
Isa pang paputok na madaling mabili ng mga bata sa sari-sari store ay ang piccolo. Delikado ang paputok na ito sapagkat hindi agad sumasabog. Kapag pinulot ng bata, saka sasabog sa kamay. Ayon sa DOH, pinaka-maraming nabiktima ng piccolo. Tinatayang 101 kaso ng mga naputukan ay dahil sa piccolo. Bukod sa pagkaputol ng daliri, mayroong nasasabugan ang mga mata na dahilan ng pagkabulag. Mayroong naputukan sa paa dahil nahagisan ng piccolo.
Ipinagbawal na ang pagtitinda ng piccolo subaÂlit patuloy pa rin ang mga sutil na vendor at mga may-ari ng store. Sa Pasay City, mismong sa tabi ng isang police station, itinitinda ang piccolo.
Paalala sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak. Huwag hiwalayan ng tingin at baka maputukan. Ingatan sila at baka salubungin ang Bagong Taon na kulang ang daliri o walang mga kamay. Please, huwag pabayaaan ang mga bata sa paputok.
- Latest