‘Torotot Festival’
May 12 taon na rin na zero-injury ang Davao City tuwing sumasapit ang Christmas at New Year’s Eve pati na rin tuwing selebrasyon ng Chinese New Year.
At pinatotohanan na naman ito noong nagdaang Christmas Eve. Walang naitalang sugatan na nadala sa mga ospital dito sa Davao City.
Ito ay dahil nga sa pinaiiral dito na ban on firecrackers and pyrotechnic materials na mahigpit na ipinagbabawal di lang ang pagpaputok ngunit pati ang pag transport at pagtitinda ng kahit anong klase ng firecrackers.
Matagal na rin na panahon na nasanay na ang mga Dabawenyo sa ‘Silent Night, Holy Night’ na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon dahil nga wala namang nasasaktan o namatay dito dahil sa paputok.
Hindi na kaila na daan-daan nating kababayan sa ibang bahagi ng Pilipinas ang nababalita sa mga diyaryo o telebisÂyon maging sa radyo na naputulan ng kamay o natamaan ng paputok o di kaya’y namamatay dahil sa ligaw na bala.
Corny na nga kung corny. Ngunit maligaya na rin kami rito sa aming ban on firecrackers and pyrotechnic materials. Nasanay na rin ang mga Dabawenyo sa kalembang ng mga kaldero o anumang lata o di kaya ay busina ng sasakyan at disco at karaoke sa mga kalsada tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.
At ngayon ngang darating na Bagong Taon ay gagawin dito sa Davao City ang kauna-unahang ‘Torotot Festival’ na inaasahang makakamit ng panibagong marka sa Guinness Book of World Records sa paggamit ng pinakamaraming torotot sa isang setting na hinahawakan ngayon ng Japan ang record na 6,900.
May tinatayang 20,000 party blowers o torotot na gagaÂmitin dito sa Davao City sa pagsalubong ng Bagong Taon. Talagang masaya ‘yon ngunit safe naman.
Binigyan naman ni Mayor Rodrigo Duterte ng go-signal ang Smart Communications, Inc., na organizer ng event na ipagpatuloy nga ang kasiyahan ngayong darating Bagong Taon.
Abangan n’yo na lang ang pinakaunang Torotot Festival sa Pilipinas na handog naming mga Dabawenyo.
Happy New Year!
- Latest