‘Malayo man nailalapit din’
HINDI lahat ng mga humihingi sa amin ng tulong ay nakakapunta sa aming tanggapan. Kalimitan sa kanila ay nasa malayong lugar at walang sapat na pamasahe para magsadya sa aming tanggapan. Kaya naman naisipan namin na sagutin ang inyong katanungan sa pamamagitan ng aming pitak.
Belen Honey Love Hello sir, ganda gbi jn poh satin, msgs poh aq kz gusto q lng poh mag tanong kung ano pwd gawin sa pinsan ko na nsa loob ng munti. 2 taon na yata. Ang kso nya poh nkapatay kz xa ng 2 tao, kc poh pinag tulongan xa ng 4 katao, pnagtanggol nya lng po sarili nya. Unty qpo mama niya, byoda wlng wla r in poh, kya prng d maasikaso ang kso. Halos palyado ndin po ang 1 kmay ng pinsan q. Sa tagal yata. Dto aq sa kuwait now. God bless u poh.
CF: Talagang matagal ang paggulong ng hustisya sa ating bayan. Ang unang dahilan ay ang dami ng mga kaso kumpara sa mga korte at hukom na dumidinig nito.
Ang ating mga abogado mula sa Public Attorney’s Office sa pamumuno ni Chief Persida Rueda-Acosta ay bihasa sa paglilitis o ‘litigation’. Maari kayong maghain ng ‘Motion for a Speedy Trial’ para naman bilis-bilisan ang pagkakalendaryo ng mga araw ng pagdinig ng kaso ng pinsan mo.
Sa pagkakalahad ng inyong kaso malamang ‘self defense’ ang magiging depensa ng pinsan ninyo. Mainam na makipag-usap sa PAO lawyer ninyo kung paano malinaw na mailalahad ito sa korte ito.
HYPERLINK “https://www.facebook.com/lynasoro.bongon†Lyn Asoro Bongon Gud am po,sir. may itatanong po ako tungkol po sa asawa ko, nagkaroon po kami ng pag tatalo. Dahil po sa sabi nya nakabuntis sya sa Saudi kaya gusto nya mag hiwalay kami. ’Di na raw po nya kyang iwanan ang babae na nabuntis nya, pero kasinungalingan po ang ginawa nya di po sya nakbuntis sa Saudi,at yong babae po sa Hong Kong dinaanan nya pauwi ng Pilipinas.at nag pakasal pa po sa Iloilo.pero kasal po kami.ano po ba ang maging sulosyon nito? ngayon po nkabalik na ng Saudi yong asawa ko.nag file na po ako ng demanda sa kanya, may subpoena na po sa knya kaya lang ignore nya yong subpoena nya wla napo sya sa Pilipinas.nakuha kopo lahat ng picture nila sa Hong Kong magkayakap pa sila.sa airport ng Hong Kong. maraming salamat po.
CF: Tama ang ikinaso mong ‘Bigamy’ sa iyong asawa sa pagpapakasal ng dalawang beses dito sa Pilipinas. Kumuha ka ng Certificate of No Marriage sa National Statistics Office (NSO) upang may panghawakan kang ebidensiya na sila nga ay nagpakasal. Ito ang pinakamalakas na ebidensya laban sa kanya. Ang dokumento ay tinatawag na ‘Best Evidence Rule’ na hindi maitatanggi na nagkaroon ng dalawang beses na kasalan ang iyong asawa. Ang ligal na kasal ay yung sa iyo dahil nauna ito. Subalit, mailalagay muna ito sa ‘archive’ o maiisantabi dahil wala sa bansa ang iyong asawa. Maging ang mga litratong nakuha mo ay magagamit mo laban sa kanila. Pwede mo rin siyang i-report sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o ipadala ang iyong reklamo sa Department of Foreign Affairs para masagot niya ito sa mismong embahada natin sa Saudi Arabia. Itimbre mo run sa Department of Justice na may kaso laban sa kanya para mailagay siya sa ‘watch list’ para sa kanyang pagdating hindi agad siya makaka-alis ng bansa na hindi hinaharap ang kanyang kaso sa ‘Prosecutor’s Office’ kung saan mo inihain.
HYPERLINK “https://www.facebook.com/marjon.vallespin†Marjon Vallespin Gud pm po sir..nagluko po asawa q..anu po dapat kung gawin para mapawalang bisa kasal namin?
CF: Subukan mo munang makipag-usap sa iyong asawa. Baka naman hindi ninyo kailangang maghiwalay dahil siya’y nagkamali at mangangakong magbabago. Walang perpektong kasal at kung minsan kailangan nating ipaglaban ang ating pamilya lalo na para sa ating mga anak.
Kung talagang hindi na ninyo ito mahihilot maaari kang mag-file ka ng ‘Annulment’ para mapawalang-bisa ang inyong kasal. Magkakaroon kayo ng pagdinig d’yan bago mapagbigyan ng Hukom ang iyong kahilingan magkakaroon ng anim na buwan na palugit para mapag-isipan ninyong mabuti ang inyong hakbang. Magtatalaga rin ng ‘social worker’ para tingnan kung may basehan ang dahilan na inilagay mo sa iyong ‘annulment case’.
Maingat ang hukuman para hindi lumabas na nagkaroon ng ‘collusion’ o sabwatan na gawa-gawa ninyo lamang ito para maging malaya kayong maghanap ng ibang makakasama.
HYPERLINK “https://www.facebook.com/lcalugdan†Leoboy Miranda Calugdan Sir tony ask ko lang po.. Yung bhay po nmin nakatayo sa lupa ng mga nanay ko na nakapangalan sa lolo pa nila.. Wla npo kming copy ng title tax dec nlng po. Balak nming palagyan ng second flr, kailangan po ng title para sa pagkuha ng building permit.. Kanino po kmi hihingi ng Special Power of Attorney(SPA) una po para makapag-request ng cert. true copy ng title and para po sa pagkuha ng building permit? Maraming salamat po.. Maraming salamat po sir.
CF: Kung SPA ang kailangan mo, papirmahin mo ang mga anak ng lolo mo na nabubuhay pa at kung wala na sila at pumanaw na sa mga anak nila (kadalasan ang panganay na anak) at pumunta kayo sa Land Registration Authority (LRA) upang makakuha kayo ng kopya ng titulo.
Reycel Leonardo ser...pwede po ba aq magsampa ng reklamo..sa ama ng 2 anak q di kc xa nag susustento sa anak q po..kasal po kami..balita q po may kinakasama na xa at may isang anak? panu po yung karapatan ng anak q?ang anak q po ay 12 at 10 y.o..salamat po..God bless po..
CF: Kung hindi nagsusustento ang asawa mo mula’t sapul maaari mo siyang kasuhan ng kaso Violence Against Women and their Children o RA 9262 in relation to RA 7610.
***0335- meron lang po sana along gustong itanong. Ang mister ko po ay isang employed ng security agency. Ngayon po hindi na siya nagtatrabaho bilang isang security guard. Gusto ko pong malaman yung mga hinulog niya po ba sa pag-ibig pwede niya po makuha o kung pwede pong ma-refund?
CF: Hindi pwedeng ma-refund ang mga hinulog sa PAG-IBIG pero maaari niyo itong ituloy kahit na hindi na siya nagtatrabaho sa ahensiyang iyon.
Ugaliing makinig ng programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
Ang aming mga kasagutan ay dumaan sa aming mga ‘legal analyst na kaakibat namin sa aming gawaing serbisyo publiko. Hindi po ako abogado at kahit ang mga kasong ganito ay madalas naming madinig mula sa mga taong nagpupunta sa aming tanggapan. Maraming salamat po.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest