^

PSN Opinyon

Parusang paglipol sa lalaking sanggol

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG paglipol sa mga sanggol na lalaki ay paraan ng pagpaparusa nu’ng sinaunang taon. Nang iutos ni Herodes sa mga sundalo na patayin lahat ng kapapanganak pa lang na lalaki, hindi lang ‘yon para mapatay niya si Hesukristo, na anang Tatlong Hari ay magiging Hari ng Mundo. Parusa rin ‘yon sa kanyang pinaghahariang mamamayan, na hindi itinuro kung nasaan ang pinagseselosan niyang sanggol.

Nang nagbagong-isip si Pharaoh at biglang bawalan ang mga Hudyo na lisanin ang Egypt, nangamatay lahat ng panganay na batang lalaki, pati ang sa Pharaoh. Anang Bibliya, dumaan sa Egypt ang dalawang Anghel ng Kamatayan, at sinaksak ang mga batang lalaki sa mga bahay na walang marka ng dugo ng tupa sa pintuan. Anang ilang sekta ng Judaism, mga sinaunang gerilyang Hudyo ang kumatay sa mga batang Egyptian, bilang ganti sa kalupitan ni Pharaoh.

Hanggang sa kasalukuyan ginagamit na parusa ang pagpatay sa mga batang panganay na lalaki. Nu’ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit na parusa ng mga Hapones sa mga komunidad na lumalaban sa kanila ang paglipol sa mga batang lalaki. Sa giyera ng Serbia at Bosnia nu’ng dekada-’90, ginawa ‘yon ng magkabilang panig, bahagi ng genocide o burahan ng lahi.

Kapag walang anak na lalaki, walang katuwang sa pagsasaka o pangingisda ang pamilya. Wala ring maiambag na sundalo sa giyera, o tulong sa komunidad. ‘Yan ang pakay ng mga manlulupig: maitanim sa isip ng pamilya at komunidad ang kaparusahan sa kanilang paglaban.

Malaking krimen na ngayon ang genocide. Buong mundo ang huma-hunting sa mga salarin. At tumetestigo sa paglilitis nila ang mga batang lalaki na nakaligtas sa massacres.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

ANANG

ANANG BIBLIYA

ANGHEL

HUDYO

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

LALAKI

NANG

TATLONG HARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with