^

PSN Opinyon

Congresswoman, binansagang ‘yosi kadiri’

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang binansagang “yosi kadiri” ang isang medyo bata pang congresswoman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay da­ting House Speaker Joe de Venecia, Evelyn Brajas, Noel Espiritu, Michael Fantinalgo, Dra. Nimuel Fajutagana, Kim Fajutagana at PO3 Ricky Ramos ng Taguig PNP.

Alam n’yo bang grabe pala ang pagiging chain smoker ng isang congresswoman. Halos oras-oras yata ay humihitit ng yosi si Congresswoman.

Napansin ng kanyang mga kasamang kongresista ang pagiging chain smoker ni Congresswoman kapag ito ay dumadalo sa mga committee hearings.

Maya’t maya ay nawawala si Congresswoman sa hearing  dahil madalas itong lumabas ng kuwarto para lamang manigarilyo sa labas.

Napansin din ng reporters na nagko-cover sa House na kapag tumayo si Congresswoman ay tumatayo rin kaagad ang kanyang staff. Sumusunod kaagad sa kanya sa labas dala ang blazer at bag na naglalaman ng yosi at lighter.

Dahil sa dalas ng paninigarilyo ni Congresswoman, amoy yosi na siya at pati na ang kanyang staff na pa­rating katabi.

Ayon pa sa aking bubwit, dahil sa dalas nitong manigarilyo sa labas, kapag tinatanong ng reporters ay halos walang masabi dahil hindi na niya naiintindihan ang mga pinaguusapan sa committee  hearing.

Ang mambabatas na binansagang “yosi kadiri” ay si Congresswoman M. as in Marlboro Lights ng Central Luzon.

vuukle comment

AYON

CENTRAL LUZON

CONGRESSWOMAN

CONGRESSWOMAN M

EVELYN BRAJAS

HOUSE SPEAKER JOE

KIM FAJUTAGANA

MARLBORO LIGHTS

MICHAEL FANTINALGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with