Suweldo at benepisyo para sa mga bus driver at konduktor
NOONG Disyembre 16, nahulog ang isang bus ng Don Mariano Transit Corp. sa Skyway at nagresulta sa pagkamatay ng 16 katao at pagkasugat ng 18 iba pa.
Marami nang naganap na ganitong mga sakuna at ang karaniwang ugat ay ang sobrang bilis na pagmamaneho ng mga driver upang makakuha ng maraming pasahero para kumita sila nang malaking porsiyento. May mga pagkakataon din na sobra-sobrang haba na ng oras na ipinagtrabaho ng driver kaya inabot na ito nang matinding pagod at antok at apektado na rin ang kanyang reflexes.
Kaugnay nito, ipinupursige ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Bill 1372 (Bus Drivers and Conductors Compensation Program) na nagtatakda ng “fixed salary†at mas maayos na “working condition†para sa mga public utility bus driver at mga konduktor.
Ayon kay Jinggoy, “under the current boundary and commission-based compensation, bus drivers outdo and compete with each other in drawing commuting passengers… This setup breeds a number of inconvenient and unsafe travel conditions for road users like clogged road lanes due to indiscriminate loading of passengers, buses beating speed limits, drivers stretching the work hours for ‘bonus’ pay, among others.â€
Sa ilalim ng panukala, ang kita ng bus driver at konduktor ay hindi na magiging porsiyentuhan at sa halip ay gagawin nang regular na suweldo na hindi bababa sa umiiral na minimum wage rate at may mga kaukulang benepisyo at insentibo. Itinatakda rin nito ang “eight-hour daily work scheme with at least 1 hour rest period†para sa mga driver.
Isinusulong din ni Jinggoy ang SB 1378 (Comprehensive Assistance Program for Public Utility Vehicle Drivers Act) na magtatakda naman ng coverage ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance System (Philhealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), at Employees Compensation Commission (ECC) para sa mga bus driver.
Ang mga panukalang ito ni Jinggoy ay inaasahang makatutulong nang malaki upang mapabuti ang kalagayan ng mga bus driver at konduktor gayundin ang seguridad at kaligtasan ng pampublikong transportasyon sa bansa.
- Latest