EDITORYAL - Bantayan, mga ‘makakati ang daliri’ sa gatilyo
TAUN-TAON, laging may nabibiktima ng ligaw na bala kapag sumasapit ang bagong taon. Isinasabay ang pagpapaputok ng baril sa kasagsagan ng pagpapaputok ng Judas belt, sawa, higad, piccolo at bawang. Walang makahahalata sapagkat parehas lang ang putok ng firecrackers sa putok ng baril. Walang patumangga ang pagpapaputok ng mga “makakati ang daliri†at sa isang iglap mayroon na silang nautang na buhay. Ang tinamaan ay bumabagsak na lamang na maski siya ay hindi alam kung ano ang tumama sa kanya. Makikita na lamang na duguan at butas ang bumbunan.
Ang nakapanghihilakbot ay ang malaman na isa palang alagad ng batas ang nagpaputok ng baril. Dahil sa kalasingan at pagpapasikat ng pulis o sundalo, mayroon silang napatay na inosenteng sibilyan. Mas nakaaawa kung bata ang kanilang tinamaan.
Kagaya ng nangyari kay Stephanie Nicole Ella, 7-anyos at Grade 1 pupil sa Tala Elementary School, Caloocan City na tinamaan ng bala sa ulo noong nakaraaang taon. Ayon sa report, mula sa calibre 45 ang balang pumatay kay Nicole. Maaari umanong pulis o sundalo ang nakapatay kay Nicole at malapit lamang sa bata.
Nanonood ng fireworks sina Nicole at mga kapwa bata sa harap ng kanilang bahay nang bigla na lamang itong bumagsak at nakitang umaagos ang dugo sa ulo. Isinugod sa ospital si Nicole subalit namatay din ito ilang oras makaraan ang bagong taon.
Ang masaklap, hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang nakabaril kay Nicole. Isang taon na ang nakalilipas subalit ang hapdi ng sugat ay nararamdaman at laging nananariwa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) sisimulan na nila ang paglalagay ng masking tape sa dulo ng baril ng mga pulis para hindi ito maiputok at maiiwasan na ang madugong inÂsidente. MaÂganda ang ginagawa ng PNP sa paglalagay ng busal sa mga baril. Madaling makikilala kung sino ang nagpaputok. Kapag nangyari ito, mabaÂbawasan ang mga pagpatay lalo sa pagsapit ng bagong taon.
- Latest