^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tanggalan na ng prankisa

Pilipino Star Ngayon

SABI ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isang buwang suspendido ang operasyon ng 75 bus ng Don Mariano Transit Corporation. Ito ay makaraang mahulog ang isa nilang bus (Body No. 861 at may plate number UVC 916) sa Skyway noong Lunes ng madaling araw. Nabagsakan ang isang nagdaraang closed van na nasa service road. Sa lakas ng impact, nawasak ang bus at naipit sa loob ang mga pasahero. Labingwalo ang namatay at 16 ang nasugatan na pawang mga pasahero ng bus.

Nakunan ng CCTV ang Don Mariano habang pagiwang-giwang na tumatakbo sa skyway. Mabilis ang takbo ng bus na ayon mismo sa nangangasiwa ng skyway ay maaaring lampas 100 kph. Ang maximum speed limit sa Skyway kapag umuulan ay 65 kph. Basa ang kalsada sa skyway dahil katatapos lamang ng ulan. Kaya ang sabi ng mga awtoridad, over speeding ang drayber at dahil basa ang kalsada, hindi na niya makontrol ang bus at nagdayb mula sa skyway.

Labis na nakapagtataka lamang ang LTFRB sapagkat isang buwang suspensiyon lamang ang pinataw nila sa mga bus ng Don Mariano. Napa-kagaan namang suspensiyon ito gayung maraming buhay ang nasayang dahil sa kamalian at kaignorantehan ng bus driver. Hindi na nakapagtataka na dahil sa magaan na parusang suspensiyon, marami pang bus ang maaaring sapitin din ang nangyari sa Don Mariano bus.

Umano’y marami nang kinasangkutang aksidente ang mga bus ng Don Mariano at nakapagtatakang hindi pa ito nababawian ng prankisa. Isang malaking katanungan kung bakit sa kabila na marami nang kinasangkutang aksidente ay patuloy pa ring nagbibiyahe. Bakit hinahayaang bumiyahe ang marami nang pinatay? Nakakapag-isip tuloy na baka may magandang pagtitinginan ang LTFRB at ang Don Mariano dahil nakakabiyahe pa kahit maraming pinatay.

Nararapat na permanente nang igarahe ang mga bus ng Don Mariano para wala nang buhay na masayang. Magkaroon sana ng “kamaong asero” ang LTFRB  para lubusang maipatupad ang paghihigpit. Paigtingin din naman ng Skyway, SLEX at NLEX ang kampanya laban sa overspeeding.

 

BAKIT

BODY NO

BUS

DON

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT CORPORATION

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

MARIANO

SKYWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with