^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit sino, may baril!

Pilipino Star Ngayon

NAKAAALARMA na ito. Maraming sibilyan na ang nagdadala ng baril ngayon. Parang bumabalik sa panahon (bago mag-martial law) na ang lahat ng tao ay may dalang baril at sa maliit na di-pagkakaunawaan ay magbabarilan na at nagpapatayan. Lahat ay malalakas ang loob sapagkat may dalang baril at kapag may nakaaway mamamaril na.

Karaniwang nangyayari ang pamamaril kapag nag-away dahil sa trapiko. Gaya ng dalawang pangyayari sa Quezon City kamakailan kung saan ang mga suspect ay walang awang namaril at ang kanilang nabiktima ay mga kawawang bata. Pati mga walang malay na bata, idinamay ng mga may “utak-pulbura”.

Sa unang pangyayari, sinita ng isang motorista ang kapwa motorista dahil sa nakasisilaw na ilaw ng sasakyan nito. Sinabihan umano na masyadong maliwanag ang ilaw ng minamanehong SUV. Sagot ng drayber ng SUV, “E ano ngayon?” Para makaiwas sa gulo, umalis na lamang ang motoristang sumita subalit hindi pa sila nakakalayo, tatlong putok mula sa hulihan ang narinig. At nalaman ng motorista na tinamaan pala ang kanyang anak na nasa likurang upuan. Dinala ng ama ang anak sa ospital at batay sa pagsusuri, napinsala ang kidney at liver nito dahil sa tama ng bala.

Nakunan ng CCTV ang puting SUV subalit hindi pa nahuhuli hanggang sa kasalukuyan.

Ang ikalawang pangyayari ay naganap sa Sangandaan, Quezon City kung saan isang lalaki ang namaril matapos masagi ng isang traysikel. Binunot ng suspect na nakilalang si Jayson Bitago ang kanyang cal. 45 pistol at binaril ang drayber ng traysikel. Nakailag ang drayber at tumama ang bala sa 17-anyos na babaing pasahero ng traysikel. Nasa kritikal na kalagayan ang babae. Naaresto naman ang suspect ng isang pulis.

Nakakatakot na ang nangyayari na lahat na yata ng tao ay mayroong sukbit na baril. Kahit na karaniwang taong naglalakad sa kalye ay mayroong cal. 45.

Ang dalawang pangyayari ay malaking hamon sa Philippine National Police (PNP) para paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms. Magsagawa ng puspusang paghanap sa mga di-lisensiyadong baril Paigtingin pa ang checkpoint sa mga lugar na pinagsususpetsahang pugad ng mga criminal. Kapag hindi napigilan ang pagdadala ng baril, maraming patayan at krimen at walang ibang kawawa kundi ang mga inosenteng mamamayan.

 

BARIL

BINUNOT

DINALA

GAYA

JAYSON BITAGO

KAHIT

KAPAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with