Personalidad sa gobyerno
SA DINAMI-DAMI ng mga nagsisingawang baho at bulok na pamamalakad ng ilang mga nakaupo sa pamahalaan, tumatak na sa publiko ang iba’t ibang negatibong persepsyon at konotasyon.
Hubo’t hubad na katotohanan, kapag nababanggit ang salitang “sistema†at “pamamalakad†ng gobyerno laging dikit ang mga katagang korupsyon at katiwalian.
Ito ang mga kabulukan na kinamulatan at minana ng ilan sa mga nakaupo ngayon sa pamahalaan.
Bagama’t iba’t ibang reporma at programa ang kanilang isinusulong, korupsyon at katiwalian pa rin ang laging nananaig at nangingibabaw.
Sa Pilipinas, tatlong kategorya ang ikinukunsidera ng BITAG sa mga nakaupo sa gobyerno.
Ito ay base sa kanilang aksyon, desisyon at pagtupad ng tungkulin, hindi sa personal nilang katangian at pagkatao.
Marami sa mga nakaupo sa pamahalaan ang mga “KKK†o nagpapatupad na may kahinaan, kakulangan at kamalian.
Sila ‘yung mga nagpupursige, subalit, dahil tao lang na kulang at kapos sa kaalaman e, nagkakamali kapag ka minsan.
Ganunpaman, ang kanilang kahinaan, pwedeng palakasin. Kung kulang, dagdagan at kung mali maaa-ring tuwirin.
Kumpara sa mga “PBB†o mga Palpak, Pabaya at Bu- ÂraÂra, sila ang mga pakitang-tao at ningas-kugon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Sa ikatlong kategorya, dito galit na galit at buwiÂsit ang taumbayan. Sa mga Kurakot, Magnanakaw at Makakapal ang mukha o “KMM.â€
Sila ang mga itinuturing na “buwaya†sa gobyerno. Walang ibang ginawa kundi tingnan at pag-aralan ang bawat sitwasyon, hindi para magbigay-serbisyo publiko kundi para mangurakot, magmaniubra ng sitwasyon at magnakaw sa kaban ng bayan.
Mga tipong nabibili ang prinsipyo at madaling “mahilot†depende sa kulay ng salapi.
Mahirap ng tanggalin at burahin ang bulok at baluktot na “sistema†at kulturang matagal ng nakagisnan at nakagawian ng maraming personalidad.
Malaki ang ginagampanang papel ng publiko sa pagbabantay laban sa laganap na korupsyon at katiwalian.
- Latest