Hokus-pokus
ISANG taon pagkatapos hinagupit ng bagyong Pablo ang malaking bahagi ng Davao Oriental at Compostela Valley na kung saan higit isang libo ang nasawi at may limang daan pang nawawala, hindi pa rin masasabing naka-recover na ang mga nasalanta.
Unti-unti ay umuusad at bumabalik na sa normal ang mga pamumuhay sa mga nasalanta ng bagyong Pablo. Ngunit malayo pa rin sa sinasabing katanggap-tanggap na normal na batayan bago pa man humagupit ang nasabing bagyo.
Maraming naging tanong sa pamamahala ng relief assistance at maging sa mga temporaryong pabahay na binigay sa ilang biktima sa mga bayan ng Cateel at Baganga sa Davao Oriental at maging sa Compostela, Compostela Valley.
Naging kontrobersyal ang paggawa ng mga bunker houses dahil nga raw ito ay masyadong over-priced.
Hindi maiwasang ganun din ang mangyayari sa recoÂvery program para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol at maging sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Samar.
Totoong hindi pupuwedeng iaasa na lang ang lahat sa pamahalaan. Ngunit sa pagsusumikap na tumayong muli, andun naman ang may umabot na ngang P40-billion na relief assistance para sa nasalanta ng bagyong Yolanda.
Totoong walang magic formula sa recovery na agad-agad and’yan na. Ngunit sana naman wala ring hokus-pokus o pagmamanipula na mangyayari sa mga relief assistance at anumang aid na binibigay ng mga international foreign agencies at ibang donor countries.
Kailangang bawat sentimo ay maia-account ng kung sinumang naatasang mamahala sa recovery program at nang sa ganun ay maiwasan ang mga pagdududang nahulog nga sa mga bulsa ng iilan lang nating mga opisyal ang pondo.
- Latest