^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Christmas lights na takaw-sunog

Pilipino Star Ngayon

BABALA: Huwag bumili ng mga Christmas lights na ibinibenta sa bangketa at mga maliliit na tindahan sa Divisoria, Recto at Rizal Avenue, Baclaran, Cubao at iba pang matataong lugar sa Metro Manila. Kung gusto n’yong maging masaya ang Pasko, iwasan ang mga depektibong Christmas lights at iba pang pailaw. Takaw-sunog ang mga ito at sa isang iglap palulungkutin ang inyong Pasko.

Galing China ang mga depektibong Christmas lights at iba pang pailaw. Isa lamang ito sa mga produktong nakakalusot sa Bureau of Customs) pala. Matagal nang nakakalusot ang mga depektibong Christmas lights. Sabagay kung ang droga, baril at mamahaling kotse ay nakalulusot sa corrupt na Customs, e di mas lalo pa ang Christmas lights.

Nakalatag sa bangketa at bungkos-bungkos ang mga Christmas lights na binebenta ng 3 for P100. Murang-mura kumpara sa mga makabagong Christmas lights na LED type na ang 100 lights ay P500.

Pero dahil mahirap ang buhay, kinakagat na rin ng mamamayan na walang gaanong budget ang mga depektibong Christmas lights. Maaari nang pagtiyagaan dahil kumikindat-kindat at papalit-palit din naman ang mga ilaw.

Subalit kapahamakan ang maaaring idulot ng mga murang Christmas lights. Ang mga Christmas lights na ito ang karaniwang nagdudulot ng sunog sa Metro Manila. Madaling masunog ang wire ng Christmas lights dahil manipis. Kapag nag-init ang bulb, uusok ito at dito na magsisimula ang apoy. Mas madaling kumalat ang apoy kapag nakadikit sa kurtina.

Ang anak na babae ni dating House Speaker Jose de Venecia ay namatay sa sunog dahil sa mga depektibong Christmas lights ilang taon na ang nakararaan. Nakulong sa loob ng kuwarto ang anak ni De Venecia.

Huwag isapalaran ang buhay sa mga depektibong Christmas lights. Bilhin ang may ICC mark na dumaan sa pagsusuri at aprubado ng Department of Trade and Industry (DTI). Iwasan ang mga pailaw na magdudulot ng trahedya ngayong Pasko.

BUREAU OF CUSTOMS

CHRISTMAS

DE VENECIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GALING CHINA

HOUSE SPEAKER JOSE

LIGHTS

METRO MANILA

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with