Swine, pork parehong baboy
LUBHANG naaalipusta na ang lahi ng mga baboy sabi ng barbero kong si Mang Gustin. Hindi pa natatapos ang usapin sa P10 bilyong pork barrel scam, heto na naman ang “swine scam†isang anomalyang nangyari noong 2004. Parehong baboy iyan ah!
Kunsabagay, anomalya ito ng nakalipas na administrasyon na ngayon lang binubulatlat.
Ang kaibahan nito ay pawang ex-government officials ang sabit di tulad ng “pork†scam na may mga incumbent senators at iba pang opisyal ang idinadawit.
Nagpalabas na ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay dating Agriculture Secretary Cito Lorenzo at iba pa na sangkot sa naturang katiwalian. Ito ay sina Wilfredo Domo-Ong, dating board member ng Quedan and Rural Credit Guarantee Corp at Nellie Ilas na nagpiyansa ng tig-P 30,000. Kasama ring kinasuhan sina Nelson Buenaflor – presidente ng Quedancor, Romeo Laciola na board member at isang Jesus Simon.
Ano ba itong swine scam na ito? Ito ay isang pumalpak na programa ng gobyerno noon na naglalayong tulungan ang mga nag-aalaga ng baboy sa bansa.
Sa programang ito, binibigyan ng tulong na pautang ang mga nag-aalaga ng baboy para mapasigla ang industriya. Ngunit tinataya sa mahigit na P 47.4 milyon halaga ng input supplies ang hindi umano nakarating sa mga borrowers.
Kabilang sa mga assitance na ibinibigay sa ilalim ng programa ay mga alagaing baboy, pagkain ng mga ito, mga kinakailangang kagamitan at technical assistance. Maganda sana ang programa pero sumemplang at hindi umano nakatulong sa mga dapat tulungan.
Mainam na rin na nagsisingawan ang mga anomalya para magsilbing babala sa iba pang naglilingkod “kuno†sa gobyerno pero ang motibo ay sariling bulsa ang patatabain. Tatlong taon na lang ang ilalagi ng administrasyon ni P-Noy at makikita natin kung tunay ang mga adbokasya nito laban sa korapsyon. Kailangang makita ng taumbayan na makakalaboso ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na nangurakot sa kaban ng bayan, sila man ay mula sa nakalipas na administrasyon o nasa kasalukuyang administrasyon ni P-Noy. Kung hindi, mapapailing lang ang bayan at sasabihing “Hayyyz…pulitika nga naman!â€
- Latest