^

PSN Opinyon

Delicadeza para kay BOC Commissioner Ruffy Biazon

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISINAMA ng National Bureau of Investigation ang pa­ngalan ni dating Muntinlupa City Rep. at ngayon ay Customs Commissioner Ruffy Biazon para sa  2nd batch ng mga mambabatas  na kinasuhan regarding sa pork barrel scam.

Sabi nga, buti nga!

Hindi lamang si Ruffy ang sinampal este mali sinampahan pala ng kaso kundi may 33 iba pa kasama dito ang six ex - kongresista na isinampay este isinampa pala sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano‘y paglipat ng kanilang Priority Development Assistance Fund  o pork barrel sa bogus na non-governmental organizations ni Janet Lim Napoles kapalit ng malaking halaga ng salapi?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan ipatupad ang due process kay Ruffy et al bago ito hugasan este mali husgahan pala ng madlang public.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pangyayaring ito siguro dapat pairalin ang ‘delicadeza‘ ni Ruffy hindi katulad ng mga matataas na customs collector na basta na lamang sinibak at inilagay sa floating status.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga inalisan ng tahig este mali puesto pala na custom people sa halos lahat ng customshouses sa Philippines my Philippines ay pinag-uusapan hindi lang ng kanilang mga kapitbahay, kaibigan,kamag-anak at maging ang mga barbero at mga ginugupitan sa barberya ay napagkuentuhan din ang nangyari sa mga ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa hindi nakakaunawa ng pagsibak sa mga puesto nila sa bureau sa mata ng madlang pinoy kaya sila sinipa ay dahil mga diumano‘y nangurap sila.

Sabi nga, nagpayaman?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘ano pa ang hinihintay ni Ruffy bakit hindi pa siya mag-text kay P. Noy tulad ng ginawa nito noong SONA na batikusin ng pangulo ang mga taga - customs dahil sa corruption dahil gusto na niyang mag-resign ?‘ sabi ng kuwagong urot.

Kahapon nag-farewell goodbye si Ruffy kay Pnoy! (iba si Ruffy may DELICADEZA!)

Transport strike dahil sa kotong

   UMALMA ang mga member ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines sa pangunguna ng kanilang panggulo este mali pangulo pala si Zeny Maranan para bakbakan ang pangingikil ng mga traffic enforcer at lespu sa kanilang hanay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tama lamang ang ginawa ng mga miembro ng FEJODAP sa tigil pasada na pinairal nila kahit nakaperwisyo sila sa madlang public na tumatangkilik sa pagsakay sa kanilang jeep.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro mas maganda at magiging kampante ang riding public na pinerwisyo ng mga jeepney driver kung ibinulgar nila isa - isa ang pangalan ng mga traffic enforcer at lespu na inaakusahan nilang nangongotong.

Sabi nga, mas mainam para magkaalaman at maparusahan ang kikil group!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala silang kinakampihan sa magkabilang banig este mali panig pala pero may mga pang-aabuso rin ginagawa ang mga drayber kaya siguro sila hinuhuli at para huwag ng maabala ay ‘kinokotongan‘ na lamang sila?

‘ibulgar ninyo ang mga pangalan ng mga pulis at traffic enforcers na sinasabi ninyong tumo-tongpats sa inyo para makalos kung may pagkakasala silang ginawa huwag na natin hayaan gawin pa kayong palabigasan ng mga kamoteng ito!‘  sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Huwag na tayong magturuan at magsisihan na inisnab kayo ng politikong nilapitan ninyo para mag-reklamo.  Tandaan ninyo tapos na ang ELEKSYON!‘

Abangan.

ASSET

AYON

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JANET LIM NAPOLES

KUWAGO

RUFFY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with