Visayas out-migration
SA KABILA ng pagsisikap ng pamahalaan na ibalik ang mukha ng Visayas region, marami sa mga biktima ng kalamidad ang nagdesisyon na umalis sa kanilang lugar.
Ang kawalan ng kabuhayan ang isa sa mga pangunahing dahilan ng out-migration o paglikas ng calamity survivors.
Pilit din nilang ibinabaon sa limot ang mapait na sinapit ng ilan sa kanilang mga kaanak na nailibing sa debris nang nananalasa si Yolanda.
Nitong mga nakaraang araw, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balicasan na posibleng abutin pa ng tatlo hanggang apat na taon ang implementasyon ng planong rebuild at rehabilitation ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Pinangangambahan ng pamahalaan ang paglobo ng mga illegal settler sa Metro Manila.
Karamihan kasi sa mga lumikas at nagdesisyong manirahan nalang sa Maynila, walang mga kamag-anak o kakilalang matutuluyan.
Marami pa rin sa mga calamity survivor ang pansa-mantalang tumutuloy sa Villamor Airbase.
Ang ayuda at suplay mula sa Department of Social Welfare and Development at iba’t ibang organisasyon ay limitado at pansamantala lamang.
Mas malaking hamon ngayon sa mga Yolanda victim ang mamuhay at manirahan sa lungsod kaysa buma-lik sa kanilang mga lalawigan.
Sa ganitong sitwasyon, malaki ang posibilidad na maga- mit sila sa mga krimen at pananamantala ng mga sindikato.
Sa bangungot na nangyari sa Visayas region, maraÂmi pa rin ang umaasam na makaalis sa lalawigan at ma kaÂtuntong sa Metro Manila sa paniwalang nasa lungÂsod ang sagot sa sinapit nilang kahirapan.
- Latest