Biazon malamang masibak?
KUNG mamalasin malamang masibak si dating tong este mali Congressman Ruffy Biazon, ng Muntinlupa City at ngayon ay Bureau of Customs Commissioner dahil ito sa multi- billion peso pork barrel scam na isinampa ng Department of Justice sa Office of the Ombudsman.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi nila sinasabing ‘guilty’ si Ruffy sa mga kasong ibinabato dito kaya nga ang Ombudsman ang bubusisi kung may ‘proÂbable cause’ bago ito isampal este mali isampa naman sa Sandiganbayan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraÂming nagpapalakpakan taga - Customs ng mabalitaan nila ang sinapit ni Ruffy kaya tuwang-tuwa sa galak ang ibang gago dito.
Sabi nila, buti nga!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkatutak ang nabuwisit kay Ruffy ng ipatupad nito ang sinasabing ‘secret order’ ng malakanin este Malacañang pala na sibakin sa mga puesto ang ilang official sa BOC kaya naman ng malaman ng taga - bureau na isa si Commissioner Biazon sa sinampahan ng case problem sa OMB dahil sa pork barrel scam ay nagalak sila sa tuwa. Hehehe!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins lang naman si Ruffy ang nasa 2nd batch na kinasuhan sa OMB ng DOJ dahil 33 pang iba ang isinama todits kasama ang sex este mali six ex-kongresista.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga isinangkot ay sina ex-Representatives Douglas Cagas, Marc Douglas Cagas IV, ng Davao del Sur, Arthur Pinggoy Jr., ng South Cotabato, Salacnib Baterina from Ilocos Sur, Arel Olano ng Davao del Norte and of course Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman gaanong kalakihan ang pitsa na diumano’y ikinasabit ng mga sikat na pangalan sa itaas pero ito anila ay million worth pa rin kahit papaano ang mga ito were accused regarding sa pag-hokus -pokus este mali paglipat pala ng kanilang pork barrel o Priority Development Assistance Fund sa sinasabing ‘peke’ na non-governmental organizations ng sinasabing pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles, kapalit ng malaking halaga na kickbacks?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isinampal este mali isinama rin sa pinaiimbestigahan sa OMB ng DOJ ang 12 COA auditors at iba pang bossing ng mga ahensiya.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sensation este mali malversation pala ang ikinaso at dehins daw plunder dahil hindi ang pinag-uusapan pitsa ay below P50 million.
‘Kahit malversation ang ikinaso kapag napatunayan sila may kasalanan himas rehas din sila dahil non-bailable diumano ito?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Napabilib ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay DOJ Secretary Leila de Lima dahil kahit kasangga ni P. Noy si Ruffy sa partido Liberal ay hindi ito nangimi na kasuhan pa rin ang huli.
Sabi nga, dapat lahat ay panty, panty este mali pantay, pantay pala. Hehehe!
Ang iba pang isinama sa 2nd batch ng kaso regarding sa pork barrel scamp ay sina Celia Cuasaya, si dating Pampanga Rep. Zenaida Cruz Ducut na ngayon ay chairperson ng Energy Regulatory Commission, Alan Javellana, Victor Cacal, Romulo Relevo, Ma. Ninez Guanizo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, Francisco Figura at si Marivic Jover, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan.
Ang mga taga - COA resident auditors na sina, Annie Recabo, Herminia Aquino, Rebecca Aquino, Bella Tesorero, Susan Guardian, Elizabeth Savea, Merle Valentin, Diana Casado, Aida Villania at Laarni Lyn Torres. Ang mga nabanggit ay bahagi ng Nabcor.
Sa TRC sina Jerry Calayan at Sylvia Montes, na superviÂsing auditor.
Sina Mylene Encarnacion ng Countrywide Agri and Rural Economic and Development Foundation Incorporated at Evelyn de Leon mula sa Philippine Social Development Foundation Incorported, ay isinama rin.
‘Ang dami na rin palang inaakusahan dito?’ sabi ng kuwagong urot.
‘Sana bilisan ng DOJ at ilabas pa ang mga pangalan ng iba pang sabit na tongresman?’
Abangan.
- Latest