Fly-by-night money changer
HABANG papalapit ang kapaskuhan, tumataas ang cash remittances ng foreign currencies. Sa ganitong panahon, tumataas din ang insidente ng pananamantala ng mga money changer.
Nagkalat sa Kamaynilaan at isang dura lang ang layo sa mga malalaki at lehitimong money changer na pumu-protekta at kumakanlong sa kanila.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang remittances ng mga overseas Pinoy ngayong Nobyembre kumpara sa kaparehang buwan noong nakaraang taon.
Sa pagpasok ng Disyembre, inaasahang dodoble pa ang mga ipadadalang pera sa bansa dala na rin ng mga kalamidad.
Pinaalalahanan ang mga kaanak, kapamilya o mga malalapit na kaibigan ng mga magpapadala ng cash remittances mula sa ibang bansa.
Doble ingat sa pagpapapalit ng inyong mga pera. Bagama’t all year round ang modus ng mga fly-by-night money changer, asahan ng mas agresibo pa sila ngayon.
Estilo ng mga money changer na ito na linlangin ang biktima sa pamamagitan ng mabilisan at paulit-ulit na pagbibilang.
Sa bilis ng pitik ng kanilang daliri hindi na napapansin ng kustomer ang sinasadyang paglaglag ng pera sa loob ng counter.
Tandaan, ipilit ninyo na kayo ang huling magbibilang ng pinalitang denominasyon upang matiyak na walang kulang.
Para makaiwas sa ganitong modus, makiÂpag-ugnayan lamang sa mga money changer na aprubado ng BSP at nakakasakop na lokal na pamahalaan.
Huwag susugal at makikipagtransaksyon sa mga money changer na walang kaukulang permit at clearance upang hindi madugasan.
- Latest