EDITORYAL - Naglipana ang mga ‘batang hamog’
ISANG palatandaan na malapit na ang Pasko ay ang pagsulpot ng mga batang nangaÂngaroling sa kalsada. Kapag natatrapik ang mga sasakyan, lalapitan ng mga nangangaroling at saka kakanta ng “dyinggel bells’’ at we wis yu a Meri Krismas’’. May magbubukas ng bintana ng sasakyan at mag-aabot ng barya o kaya ay pagkain.
Pero ngayon, hindi na mga batang nangangaroÂling ang lalapit sa mga sasakyang natatrapik kundi mga “batang hamog†na sa isang iglap, ay aatake sa motoristang magbubukas ng bintana ng kanyang sasakyan. Sa isang iglap, nalimas ang gamit ng motorista. Tangay ang laptop, Iphone, tablet, pera, alahas at iba pang mahahalagang gamit. Napakabilis ng mga kawatan at bago pa makakilos ang may-ari ng sasakyan, nakatakas na ang batang hamog tangay ang mga gamit.
Mayroon pang bagong style ngayon ang mga “batang hamog†para makapambiktima ng motoÂristang naiipit sa trapik. Lalapit ang batang hamog sa isang sasakyan at kunwari ay hihingi ng limos. Ang motorista ay maaawa sa bata at bubuksan ang bintana ng kanyang kotse para abutan ng limos. LiÂngid sa kaalaman ng motorista, sa sandaling buksan o ibaba ng drayber ang bintana, biglang lalapit ang kasapakat ng batang hamog at tutukan ng patalim ang drayber at magdedemand na ibigay ang wallet cell phone at ano pa mang bagay na nasa tabi nito. Dahil nakatutok ang patalim, walang magawa ang drayber kundi ibigay ang hinihingi ng kawatan. Iglap lang at nanakawan ang nagmamagandang loob na drayber.
Babala sa mga motorista, huwag magbibigay ng limos sa mga bata o sino pa mang nasa kalye. Huwag ibababa ang bintana ng sasakyan. Huwag magpapadala sa awa at baka sa dakong huli ay kayo ang maging kawawa.
Naglipana ang mga “batang hamog†sa maÂraming lugar sa Metro Manila. Maraming “batang hamog†sa North EDSA, Laon Laan St. sa Maynila, Guadalupe, Makati City; Tramo sa Pasay City at Kamuning, Quezon City.
Panawagan naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development AuthoÂrity (MMDA) na dakmain ang mga “batang hamog†upang walang mabiktima. Huwag nang hintayin na mayroong mapahamak.
- Latest