Governor at congressman, nag-away sa pila ng relief goods
ALAM n’yo bang nag-away ang isang governor at congressman dahil sa pila ng mga sasakyang may dala ng relief goods para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay PNP Chief Gen. Allan Purisima, Eloi Perez, Francis Cuaco, Hassan Han, Albert Romasanta, Rita Salonga at Charles Llanes ng Yes-Fm Radio.
Ayon sa aking bubwit, nangyari ang away ng governor at congressman sa pila ng mga sasakyan sa port ng Matnog, Sorsogon noong Linggo ng hapon. Umabot ng apat na kilometro ang pila ng mga sasakyan kabilang na rito ang mga truck na galing pa sa Metro Manila at iba pang probinsiya.
Dahil sa haba ng pila, maraming tao ang nagalit dahil inabot sila ng dalawang araw sa paghihintay bago maÂisakay sa ferry boat ang kanilang relief goods. Isa sa mga nagalit ay ang governor mula sa Bicol region. Siya ay may dalang apat na trucks ng relief goods at may kasama pang medical team. Dahil sa tagal ng kanilang paghihintay mula Matnog patawid ng Allen, Samar biglang isiningit ng governor ang kanyang convoy.
Nilampasan ang mga nakapilang sasakyan at ito ay sumingit hanggang sa mapunta sa unahan ng pila pasakay ng ferry boat. Dito ay hinarang naman siya ng isang congressman ng Sorsogon. At sinabihan siyang “Governor, hindi mo ito probinsiya, sumunod ka sa pila at huwag kang maghari-hatian dito.â€
Lalo namang nagalit ang governor at tinarayan ang congressman. Nagsigawan sila hanggang awatin ng mga tauhan ng MARINA at PNP. Ang katwiran ng governor baka raw mabulok ang dala nilang mga pagkain sa Tacloban. Dahil patuloy na nagtaray ang governor, pinabayaan na lamang siya ni Congressman at mga tauhan ng Matnog port na mauna sa pila.
Ang dalawang opisyal na nag-away ay si Albay governor Joey Salceda at Sorsogon congressman DeoÂgracias Ramos.
- Latest