Teach them to fish
ALAM nating lahat ang kasabihan na “Give a man a fish and you feed him for a day. Teach him how to fish and you feed him for a lifetime.†Ang pinaka-epektibong tulong na mabibigay mo sa taong nangangailangan ay turuan itong tulungan ang kanyang sarili. Ang limos ay panandalian.
Sa ngayon, ang ating pobreng kababayang nabiktima ng Yolanda ay umaasa pa rin sa lahat ng tulong na maibibigay. Ang ating mga donasyon ay unti unting napapaabot at napapakinabangan. Malinaw na tatagal pa ang kanilang pangangailangan. Ang hindi malinaw ay kung ano ang itatagal ng ating pagkalinga. Maging ang kapasidad na tumulong ay may hangganan. Darating ang araw na haharapin ng mga biktima ang katotohanang kailangan nang tulungan ang kanilang sarili. Para sa nawalan na ng lahat, hindi ito madaling gawin dahil nawalan na rin sila ng ganang mabuhay.
Subalit kailangan nilang mabuhay at habang kaya pa nating tumulong ay patuloy tayong susuporta. Upang mapagaan ang kanilang kalbaryo at habang wala pang nangyayaring malawakang kilos sa muling pagbangon ng kanilang komunidad, bakit hindi pag-aralan ng gobyerno na bayaran ng direkta ang mismong mga nabiktima nating kababayan upang muling itayo ang mga lungsod at bayan na kinawawa ng bagyo? Umpisahan ang agarang pagpatayo ng mga istruktura ng kanilang komunidad at habang ginagawa ito ay makakaipon pa sila ng mahalagang sahod na maari nilang ikabuhay. Kasabay nito ay maibabalik ang kanilang dignidad bilang produktibong bahagi ng lipunan.
Gaya ng nasabi na, ang limos ay panandalian. Mas makakatulong tayo kung sila’y mabigyan nang pagkakaÂtaong matulungan ang kanilang sarili. Sa ganoon ay patuloy silang makikinabang sa prutas ng kanilang pagpupunyagi at hindi lang paminsan minsan kapag aasa lang sila sa pakikiramay ng kapwa.
Ang nangyari sa Visayas ay malaking trahedya. SuÂbalit dapat nating makita na isa rin itong oportunidad na bumangon at higitan ang daÂting kinatatayuan na ngayo’y may taglay na panibagong lakas, paniwala sa sarili at pag-asa sa kinabukasan. At upang ito’y maging matagumpay na pagbangon, kailangan ay matuto muna tayong tulungan ang ating sarili.
- Latest