Wala nang PDAF
NAGLABAS na ng desisyon ang Supreme Court sa PrioritÂy Development Assistance Fund (PDAF), o “pork barrelâ€, kung saan P200 milyon ang nakalaan sa bawat senador at P70 milÂyon naman sa bawat Kongresista. Unconstitutional daw ang PDAF na puno’t dulo ngayon nang napakalaking panloloko sa gobyerno, at pagnanakaw sa pera ng bayan. Wala nang magagawa ang House of Representatives at Senate kundi sumunod sa desisyon ng SC.
Kaya ang natitirang PDAF para sa 2013 ay hindi na magagamit ng mga mambabatas. At sa mga susunod na taon, wala na rin silang matatanggap na PDAF. Hindi ba tinanong ko noon kung may tumakbo pa kayang senador at kongresista, kung wala nang PDAF? Malalaman na lang natin sa 2016. Magbabago nang husto ang kulay ng halalan sa 2016, ngayong wala nang pera na magagamit para sa anumang masamang intensyon. Sana naman, bumoto na ang taumbayan, hindi dahil may natanggap silang tulong o pera, kundi dahil alam nilang makakatulong sa kanila ang kandidato.
Pero may mga nangangamba rin sa desisyon ng SC. Walang argumento na may mga nakikinabang talaga sa PDAF. Maaaring hindi lahat ng PDAF ng mambabatas ay napupunta sa pagtulong sa tao, pero may natutulungan. Paano na ngayon sila? Dito na papasok ang gobyerno, kung paano matitiyak na talagang napupunta sa mga naÂngangailangan ang pera ng bayan, nang walang utang na loob sa sinumang pulitiko. Dito na papasok ang galing ng mga makakaisip ng paraan para matulungan pa rin ang mga dapat lang tulungan.
Pero sa ngayon, alam natin na napakaraming dapat tuÂlungan sa mga lalawigang nasalanta ng bagyo. Hindi lamang sa inisyal na tulong, kundi pati na rin sa mga darating na buwan, o taon. Pagkain, pabahay, hanapbuhay. Kung may natitirang pondo mula sa PDAF ng mga mambabatas para sa taong ito, di kaya puwedeng gamitin na lang bilang tulong sa mga biktima? Wala naman sigurong aangal diyan, at wala rin namang masama kung gawin, basta’t siguraduhin lamang na sa kanila pupunta. Dito na magsisimula kung kaya ng gobyerno gawin ito nang walang nasasagasaang batas.
- Latest