Sec. Mar Roxas, dinggin mo ang mga taga-Capiz
SALUDO ako sa katatagan ng loob at sa diskarte ng mga kababayan ko sa Capiz. Nang hambalusin ng 320 kiloÂmeters na hangin ng Typhoon Yolanda wala silang sinayang na sandali upang mahagilap ang kanilang mga kapitbahay na inanod ng 20 feet na alon. Sa pamamagitan ng pinagtaling plastic empty container at kinabit-kabit na kawayan ay nasagip nila sa pagkalunod ang mga natangay ng alon. Iyan ang isinalaysay sa akin ng mga maitutuÂring kung tunay na bayani ng magtungo ako sa Barangay Bantigue, Panay, Capiz makalipas ang dalawang araw na unos.
Ang lahat ng kanilang nasagip ay agad na ipinasok sa isang kapilya na walang bubungan at doon sama-sama na pinainom ng mainit na kape na sa kalaunan ay mainit na lamang na tubig upang maibsan ang ginaw na dinaranas. Subalit mayroon pa rin minalas na namatay sa daluyong ng alon sa Sitio Baybay. Sa Barangay Butacal, Hamol-awon, Manapao, Nabitas at Pawa ay gayundin ang bayanihang nangyari kaya naiwasan ang maraming namatay. Ngunit matapos ang may isang linggong pagkukumahog at pagtitiis sa init at ulan ng mga residente roon ay mabibilang lamang sa daliri ang tulong mula sa pamahalaan dahil nakapokus ang tunay na biyaya sa Leyte at Cebu. Kaya tuloy ang iniisip ng mga kababayan kong apektado ng bagyo ay pinabayaan na sila ng pamahalaan.
May katotohanan kaya ang mga reklamong ipinaraÂting sa akin na dapat arukin ni DILG Sec. Mar Roxas? Lumalabas na kaya hindi sila nabibigyan ng tulong mula sa pamahalaan ay sa dahilang “kontra partido†sila. Paano nga naman, nakakatulig na sa taynga ang mga bali-balitang umaabot na sa tatlong kilometro na ang haba ng pila ng relief goods mula sa iba’t ibang organization sa Tacloban subalit sa kanila ay wala. Susmaryusep mga suki! Sa mga Civic Action Center na ginawang evacuation center ng mga local official ay isang beses lamang sila binibigyan ng pagkain kaya ang karamihan sa mga ito ay nagkusa na lamang na bumalik sa kanilang mga sirang tahanan.
Ang masakit kahit na isang pako man lamang ay hindi sila nabigyan ng tulong, kaya kahit na gula-gulanit na ang mga gamit na puwede pang pakinabangan ay pinagtiÂtiyagaan na lamang upang makapagtayo ng barong-barong na masisilungan. Hindi sumusuko ang mga bayani kung kababaÂyan kahit na walang ayudang natatanggap dahil likas silang maÂdiskarte sa buhay kung kayat hindi sila naging pabigat sa pamahalaang Aquino.
Sa ngayon ang tanging panawagan nila sa pamahalaan at kay Roxas mismo ay apurahin ang pagkumpuni ng koryente ng Capiz Electric Company (Capelco), tubig, telephone companies at airport nang maibalik ang sigla ng kanilang hanapbuhay. Abangan!
- Latest