‘Walang alam’ sa PDAF, Napoles ilipat sa piitan
SIMPLENG logic lang. Kung, ayon sa kanya, wala palang alam si Janet Lim Napoles sa pork barrel scam, ilipat na siya sa ordinaryong city jail.
Nasasakdal si Napoles sa kasalukuyan sa karumal-dumal na krimeng serious illegal detention (ng pamangÂking Benhur Luy). Dahil non-bailable, dapat siyang ipiit habang nililitis.
Samantala, hinabla rin siya ng non-bailable plunder, bilang fixer ng P10-bilyong “pork†scam, kasama ang tatlong senador at limang kongresista. Ipinalagay na namemeligro ang kanyang seguridad, kaya inilagay siya sa espesyal na tirahan -- na may komportableng kama, personal na inodoro at shower, sariling living, kitchen at dining room, isang libong security cordon, at on-call na doktor ng pulisya.
Pero nu’ng tumestigo siya sa Senado nu’ng makalawang Huwebes, pinabulaanan niya ang sinumpaang salaysay ng 12 whistleblowers at mga dokumentong ebidensiya. Itinatwa niya ang anomang kaalaman sa scam, at ang pagka-kilala sa mga co-accused na mambabatas.
Samakatuwid, dahil ipinagtibay ni Napoles na wala siyang alam sa scam, hindi pala siya namemeligrong saktan o patayin. Kung, gan’un, ilipat na siya sa city jail. Magsama sila ng co-detainees sa iisang palikuran, mainit na selda, banig para tulugan sa sahig, mumuraÂhing pagkain, at karaniwang security. ‘Yon malamang ang kailangan ni Napoles para maalala ang mga nalalaman. At mapapagtanto niya kung nararapat na siya lang ang nakakulong habang nililitis, o kung dapat humihimas din ng malamig na rehas ang mga co-accused.
Samantala, hindi dapat abutin ang Ombudsman nang isang taon para pag-aralan ang hablang plunder. Bagamat tatlong taon ang saklaw ng krimen, makikita naman agad ang paulit-ulit na pattern nito.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest