^

PSN Opinyon

Modus ng pekeng pulis, bistado ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TALAMAK ang “kotong” sa mga lansangan. Kadalasan, mga tiwaling pulis ang itinuturong nasa likod nito. Subalit, sa Quezon City, isang nagpanggap na unipormadong traffic police ang nahulog sa BITAG matapos mangikil sa isang motorista.

Nanghuhuli ang pekeng pulis ng mga motorista kahit walang violation. Iniimbento niya ang violation kapag hawak na niya ang lisensya ng drayber at mga papeles.

 Isa sa mga nabiktima ng nagpakilalang pulis na si Jomar Ablay si Jaime, isang truck driver na dumadaan sa C3. Pinara umano siya ng isang unipormadong pulis sa hindi matiyak na dahilan.

Tulad ng karaniwang ginagawa ng mga lehitimong awtoridad, agad hiningi ni Ablay ang lisensiya ni Jaime gayundin ang mga dokumento ng minamanehong sasakyan.

Pero ng tinanong kung ano ang kanyang paglabag sa batas-trapiko, walang maisagot ang kolokoy na traffic police. Bagkus, inikutan niya agad ang trak at sinabing tambutso ang problema ng sasakyan. Mabilis at matikas pang sagot ni Ablay, para hindi na lang daw maabala pa ang drayber at nang makaalis na, magbayad na lang daw ng P200.

Dito, nagduda na si Jaime kaya nagtungo sa traffic sector  para kumpirmahin ang pagkatao ng pulis. Sa pagkakata- ong ito, tuluyang nahulog sa BITAG ang pekeng pulis., Ayon sa tanggapan, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na modus ang pagpapanggap na isang pulis para manggantso. Napag-alaman na dating empleyado ng MMDA si Ablay subalit nasibak dahil sa katiwalian.

Hindi maitatanggi na maraming tiwali ang ginagawang gatasan ang mga motorista. Nagpapanggap na pulis para rumaket.

 Mensahe ng BITAG sa mga mapagsamantala, mahuhulog din kayo sa inyong mga modus. Pinaalalahanan naman ang mga motorista na isumbong sa mga awtoridad ang sinumang mananamantala sa kabila nang pagsunod sa batas-trapiko.

vuukle comment

ABLAY

AYON

BAGKUS

DITO

JAIME

JOMAR ABLAY

PULIS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with