Mamuhay nang maayos
ISAAYOS natin ang ating buhay ayon kay Propeta Malakias sapagkat darating na ang Panginoon. “Poong Hukom ay darating taglay katarungan natin.†Lilipulin ang mga palalo at masasama, subalit ang sumusunod sa Kanya ay ililigtas at pagagalingin. Ang Super Typhoon Yolanda ay paalaala sa atin ng Diyos na patuloy na gumawa ng kabutihan sa araw-araw nating pamumuhay. Sabi ni Pablo, “Huwag ikahiyang magtrabaho. Gumawa araw at gabi upang hindi maging pasanin ninuman at huwag manghimasok sa buhay nang may buhay. Paghandaan ang tawag ng Panginoon.â€
Nagpapasalamat ang ating mga sinalantang kaba- bayan sa mga tulong ng buong daigdig. Nakalulungkot dito, meron pa rin tayong kababayan na sa halip na magpa-salamat ay pagnanakaw pa ang ginawa. Ayusin ang ating buhay. Marami nang paalaala sa atin ang Diyos katulad ng lindol, bagyo at pagguho ng lupa.
Sinabi sa atin ni Hesus na hindi darating karaka-raka ang wakas. Maraming pagsubok: digmaan, malalakas na lindol, magkakagutom at salot, lilitaw ang mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit. Subalit huwag tayong mabagabag at sa halip ay ipanatag ang ating kaloooban. Huwag mabalisa sa pagtatanggol sa sarili sapagkat bibigyan tayo ng katalinuhan.
Ito ang “signs of the endâ€. Paalaala ni Hesus sa dara- ting na kaguluhan at pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD naganap ng halos 30 taon matapos Siyang umakyat sa langit. Ito din ang patuloy na paalaala sa atin ni Hesus sa Kanyang ikalawang pagdating.
Ang ikalawang pagdating ni Hesus ay pangkalahatang paghahanda subalit hindi natin alam na meron Siyang sadyang pagdating sa ating sariling buhay. Kamatayan! Upang maging maayos ang ating buhay sa pagdating ni Hesus ay muli nating isapuso ang tagubilin ni Pablo. Mamuhay nang maayos!
Malakias4:1-2a; Salmo97; 2Tes3:7-12 at Lukas 21:5-19
- Latest