Memo kay Presidente
1. Gumawa ng iisang mapa ng mga lugar na napinsala ni Yolanda at hatiin sa 70 sektor ang mapa.
2. Utusan ang 70 gobernador na mamuno ng bawat isa sa mga sector.
3. Utusan ang mga mayor na nasa ilalim ng mga gobernador na tumulong.
4. Bigyan ng authority ang mga gobernador at mayor na gumamit muna ng kanilang mga pondo, staff, at equipment subject to refund by the national government.
5. Utusan ang provincial commanders ng PNP at AFP na tumulong sa kanilang mga gobernador.
6. Mag-organize ng battalion ng embalmers at i-deploy sa mga sector.
7. Bumili ng mga kabaong at magtatag ng mga makeshift na mga punerarya sa bawat sector para mabigyan ng disenteng burol ang mga nangamatay.
8. Imbitahin ang mga obispo at iba pang religious leaders na mag-bless sa mga nakaburol.
9. Mag-organisa nang malakihang fund raising campaign na pangungunahan mismo ng Presidente na may target na makalikom ng at least P100,000 bawat pamilya.
10. Mag-organize ng prayer rally at gift-giving o Christmas party sa Tacloban para sa mga pamilyang napinsala na dadaluhan mismo ni Presidente, donors, movie and tv personalities, religious leaders at iba pa.
11. Sipain ang mga opisyal na naging clueless sa katiyakan ng storm surge dulot ng isang typhoon na may lakas ng hangin na umaabot ng 300+ kph. Obviously natulog sila sa pansitan.
Hindi ba alam ng mga kinauukulan ang nangyari sa New York City noong nakaraang taon kung saan si New York City Mayor Bloomberg ay puwersahang inutusan ang kanyang mga kababayan na lumikas dalawang araw pa bago sumalakay ang “Superstorm Sandy†kaya walang nangamatay? Katangahan ang pumatay sa mga Waray. Wala akong sinisi noong mga nakaraang mga kalamidad kaya paulit-ulit ang pananalasa ng bagyong ang pangalan ay Katangahan.
- Latest