Kawalan ng sistema?
TIGILAN na ang pagdadahilan. Tigilan na ang pangangatwiran. Tigilan na ang pagtuturuan.
Bilisan na ang pamamahagi ng mga relief goods sa Kabisayaan matapos hagupitin ng bagyong Yolanda.
Ngayong nagdatingan na ang relief goods mula sa iba’t ibang sektor at maging ng ibang bansa, ang malaking hamon ay kung papaanong agarang maiparating ang mga ito sa mga nagugutom nating kababayan. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin sila naaabot ng tulong ng pamahalaan.
Dapat nararamdaman nila na hindi “natutulog sa pansitan†ang ating pamahalaang-nasyunal. Dahil ang kanilang mga pamahalaang-lokal, hindi na gumagana. Lahat sila ay biktima.
Mahalagang maisalba agad ang mga kababayan nating ito sa pamamagitan ng agarang saklolo. Dito maiiwasan ang mga nakawan ng mga food supply tulad ng pagkain, tubig at medisina.
Pampitong araw na ang mga biktimang ito na nagugutom. Kung anu-ano na ang kanilang naiisip dala ng kanilang kumakalam na sikmura. Kaya kung anu-ano na rin ang kanilang nagagawa. Mang-agaw, magnakaw ng mga pagkain kung kanino at kung saan-saan na lang.
Kaya Defense Secretary Voltaire Gazmin, anong ibig mong sabihin ng “There is something with system?â€
Ang “system†ay gawa ng tao. Ito’y pamamaraan kung papaano mangasiwa. Tao ang mga nangangasiwa. Tao ang mga nakaupo sa gobyerno kabilang kayo roon.
Kaya umpisahan ninyo ang gawa! Tigil ninyo na ang ngawa!
- Latest