Iba na ang landas
BAGO pa humagupit si Super Storm Yolanda noong Biyernes ng umaga, todo-todo na ang paghahanda ng mga taga-Eastern, Northern at maging Southern Mindanao na tinatayang maapektuhan ng bagyo.
Ito ay dahil natuto na ang mga taga-Mindanao sa naranasan nito sa Bagyong Sendong at Pablo na kumitil ng libu-libong buhay at sumira ng bilyong halaga ng ari-arian at maging ng public infrastructure gaya ng mga tulay at daan.
Kung dati ay pinagmamalaki na ang malaking bahagi ng Mindanao ay hindi nadadaanan ng bagyo o wala sa mga landas nito, iba na ang nangyayari ngayon dahil dinadaanan na talaga ang may ilan-ilang area ditto sa Mindanao tuwing may bagyo.
Noong humagupit ang Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City at Iligan City, nagising ang mga mamamayan doon sa katotohanan na posibleng masalanta uli sila ng mga susunod na bagyo.
At nanalanta si Bagyong Pablo noong nakaraang Pasko na nag-iwan ng higit isang 1,000 patay at higit 500 pa ang nawawala sa Compostela Valley at Davao Oriental.
Naging masaklap na leksyon para sa mga taga-MinÂdanao ang mga nasabing nagdaan na bagyo.
Natanto ng mga taga-katimogan na ang bagyo ay katotohanang kailangan harapin dahil ang Mindanao ay nasa landas na nito.
- Latest