^

PSN Opinyon

Military accommodation sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NANG umupo si P. Noy bilang Prez sa Philipines my Philippines isinalang niya agad ang sampit niyang si tired este mali retired Major General Bodet Aquino Honrado para maging bossing sa Manila International Airport Authority.

Ika nga, nepotism?

Nagbilang lamang ng ilang days sibak din ang isa sa mga binitbit ni  dating MIAA GM Al Cusi, ang batang sarado ni GMA at First Gentleman. Dahil sa pangyayari NG sibakan blues ay isa-isa ng pumasok ang mga militar from the Air Force at Philippines Marines na batang sarado naman ni Bodet.

Sabi nga, weather, weather!

Dalawa sa tatlong bitbit ni Bodet na militar ang hindi tumagal sa mga puesto nito sa  NAIA dahil sa ‘sexual harassment’ isyu.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa totoo lang sangkatutak ang nagga-gandahan bebot sa NAIA. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos umalis ang dalawa dahil sa ‘kahihiyan’ ginawa sa NAIA,  dalawa naman mga military general ang sumulpot sa MIAA, ang isa dito ay classmate ulit ni Bodet.

Sabi nga, ‘trust and confidence.’

Naging maayos ang takbo sa airport sa pagpasok ng dalawang bagito sa paliparan dahil napaghuhuli ang mga kamoteng grupo ng salisi gang, oslo gang, mga menor-de-edad na tinagurian ‘gagamba boys,’ na sumasakay sa mga sasakyan ng mga arriving passenger sa labas ng paliparan, colorum at mga mandarayang taxi driver na may ‘bating-ting’ sa kanilang sasakyan para nga naman bumilis ang takbo ng  metro at magbayad ng malaki ang mga pobreng pasahero na biktima ng mga gagong ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos tatlong buwan na ang nakakaraan isang general na junior officer ng magka-classmate ang nagbitiw ulit sa puesto matapos siyang mapaghinalaan at ma-tsismis na nakipagkutsaba diumano sa ‘supplier’ regarding sa CCTV camera na ikakabit sa NAIA Terminal 1, terminal 2 and terminal 4 plus sa mga ramp area at sa mga highly restircted area.

‘Bakit, ano ang nangyari?’ Tanong ng kuwagong nabukulan.

‘May tsimis na tumanggap diumano ng malaking halaga ng salapi ito?’

Naku ha!

Totoo kaya?

‘Iyan ang itanong mo sa kanila kasi sila-sila lang ang nakakaalam kung totoo o hindi?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaimbestigahan pa daw sa NBI ang junior officer at mga alipores niyang  mga airport police at idinaan pa sa polygraph test sila  kung totoong nagkaroon ng lagayan blues?

‘Ang problema lamang itinago ang report dahil sila-sila lamang ang nakakaalam sa ginawang pagbusisi tungkol sa scam?’ Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos magbitiw ang junior officer  bumilang lamang ng ilang linggo at nag-file ng irrevocable resignation naman ang isang retired general na classmate ni Bodet dahil nagkaroon sila ng pagtatalo hanggang sa humantong sa taasan ng boses.

Ika nga, sigawan pero hindi naman sila nag-away?

‘Para hindi na lumaki ang gusot umayaw na si classmate iniwan si Bodet matapos mag-tender ng irrevocable ressignation.’ sabi ng kuwagong urot.

Sabi nga, goodbye my teacher goodbye. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayaring ito sangkatutak na tsismis ang kumalat sa airport hanggang umabot ito sa mga barbero at pinag-piestahan ang nangyaring gusot. Hehehe!

‘Isinapubliko ba talaga ang bidding regarding sa CCTV sa NAIA?’ Tanong ng kuwagong iyakin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, upang mawala  ang agam-agam dapat magkaroon ng re-bidding kung nagkaroon talaga ng bidding para malaman ng madlang public na nasa ‘tuwid na daan’ sila.

Sabi nga, dapat i-publish?

Abangan.

Kuyang Herman Chong

NAKIKIRAMAY ang Chief Kuwago at ang Laon-Laan Lodge 185 sa pamilya ni Kuyang Herman Chong, dahil kinuha na siya ni Lord.

Sumalangit nawa!

Sa lahat ng Brethren na gustong magpunta sa burol ni Kuyang Herman. matatagpuan ang kanyang abo sa 1125 - 1131 A dyan sa Prudential Funeral Homes, dyan sa Maceda St., Sampaloc, Manila City

AYON

BODET

DAHIL

HEHEHE

KUYANG HERMAN CHONG

SABI

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with