^

PSN Opinyon

Mga pagkain at supplements: Para saan ito?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Bawang  â€“ Ang bulb ng bawang ay puwedeng ka­ining hilaw o gawing tableta. May nagsasabi na ang garlic ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura.

Para saan ito: Mataas ang cholesterol

Grado: B-

2. Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong din ito sa sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay panlaban din sa mga mikrobyo.

Para saan ito: Nahihilo at nasusuka

Grado: A

3. Ginseng – May dalawang ginseng, isang American ginseng at isang Asian ginseng. May paniniwala na ang ginseng ay nagpapalakas sa sexual performance ng mga kalalakihan. May nagsasabi rin na nagbibigay ito ng dagdag lakas at resistensiya. Mag-ingat lang po ang pas­yenteng may altapresyon at sakit sa puso dahil puwedeng lumala ang kanilang sakit.

Para saan ito: Pampalakas ng katawan

Grado: B

4. Glucosamine sulfate – Ang glucosamine ay nag­mula sa shells ng alimango, talaba at hipon. Napag-alaman sa mga pag-aaral na makatutulong ito sa paggamot ng arthritis sa tuhod. Makababawas din ito sa kirot ng ating kasu-kasuan. Ngunit kapag malala na ang arthritis, dapat pa ring kumunsulta sa doktor.

Para saan ito: Arthritis sa tuhod

Grado: B

5. Green tea – Ang green tea na nagmula sa Asia ay pinaniniwalaang panlaban sa kanser at pampababa ng cholesterol. Maraming sinasabing benepisyo ang green tea pero hindi pa ito lubos na napa­tu­nayan. Mag-ingat lang sa pag-inom dahil may halo itong caffeine na maaaring magpa­bilis ng tibok ng puso.

Para saan ito: Panlaban sa kanser

Grado: A

Kung kayo ay may tanong, kumunsulta po sa inyong doktor.

vuukle comment

BAWANG

BUKOD

GRADO

LUYA

MAKABABAWAS

MAKATUTULONG

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with