^

PSN Opinyon

Kung gugustuhin, may paraan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAGULAT ang pagbabago ng police substation 11 sa Las Piñas City.  Ang dating bulok na station ay magara na. Hehehe! Kasi nga pansinin ng motorista ang substation 11 dahil ito ang daanan ng mga pampublikong sasakyan na may biyaheng Baclaran/Zapote, Alabang at Imus Cavite. Ito yung presintong nasa gilid ng tulay diyan sa may Bgy. Aldana, Las Piñas City. Tumbok din ito ng C-5 Extention na pinagbabarahan ng trapik kung kaya hindi maitatago ang pagiging isa sa  mabahong sub-station sa Metro Manila noon. Ngunit nitong Undas marami ang napabalikwas sa kanilang nakita dahil nasa ayos na ang kinatatayuan  at presentable na sa publiko. Mukhang nakatsamba si SSupt. Adolfo Samala ng Las Piñas City Police sa paghirang kay SInsp. Macario Mailon na maging substation commander. Ipinakumpuni ni Mailon ang bulok na presinto mula sa ayuda ng mga kaibigan at MOA nila mula sa National Capital Region Police Office. 

Kung  gugustuhin may kaparaanan. Kaya ang resulta na-ging presentable ang presinto mula sa pagewang-gewang na bakod ngayon ay matibay at makinis na. Ang dating amoy agiw at butas-butas sa kain ng anay na mga dingding ngayon ay pinturado at mabango na. Naisaayos na rin ang maputik na kapaligiran ng presinto matapos na maipakumpuni ang mga basag na tubo ng tubig, ang comfort room at kusina ay nasa maayos na rin kaya kampante na ang mga complainant na mamalagi sa loob habang dinidinig ng mga imbestigador ang kanilang mga reklamo. At dahil sa maganda na ang substation 11 natural na magbabago na rin ang ugali ng mga pulis. Naibibigay na nila ang tamang serbisyo sa mga residente ng Bgy. Aldana at Pulang Lupa, nasubukan ito noong Undas. Naging zero crime ang kapaligiran ng Golden Heaven Memorial    Park dahil ang mga pulis ni Mailon ay nakakalat sa kapaligiran.

Maging ang mga lansangan ng C-5 at P. Diego Cera Ave­nue patungo J.P. Rizal ay naging suwabe ang daloy ng trapiko kung kaya ang lahat ng mga kababayan natin na dumaraan patungo sa Pulang Lupa Public Cemetery ay naging kampante sa kanilang pagbibiyahe. Simpleng halimbawa lamang itong ipinapakita ni Mailon subalit maging halimbawa sana ito sa lahat ng police officials na baguhin ang kanilang tanggapan. Kasi nga may kasabihan na malalaman natin ang ugali ng tao sa pamamagitan ng kanyang kapaligiran. Kaya kung si Mailon man sa ngayon ang aking napansin marahil sa susunod marami pa ang gagaya sa kanyang kakayahan. Katulad din yan sa pagbabago ng National Capital Regional Police Office headquarter’s sa Camp Ricardo Papa, Taguig City na nagmistulang 5-Star hotel na dahil pagpapaganda ni NCRPO chief Dir. Marcelo Garbo. ito sa lahat ng police officials na baguhin ang kanilang tanggapan. Kasi nga may ka­­sabihan na malalaman na­tin ang ugali ng tao sa pa­mamagitan ng kanyang ka­­­paligiran. Kaya kung si Mailon man sa ngayon ang aking napansin marahil sa susunod marami pa ang ga­gaya sa kanyang kaka­yahan. Katulad din yan sa pagbabago ng National Ca­pital Regional Police Office headquarter’s sa Camp Ricardo Papa, Taguig City na nagmistulang 5-Star hotel na dahil sa pagpapaganda ni NCRPO chief Dir. Marcelo Garbo.

vuukle comment

CAMP RICARDO PAPA

KASI

KAYA

LAS PI

MAILON

MARCELO GARBO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with