^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura ng kandidato ipalinis sa kanila mismo!

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang May 13, 2013 national elections­, mahigit isang linggong kinalkal, ki­nutkot at pinagbabaklas ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang campaign materials ng mga kandidato at iba pang basura. Ngayong katatapos lang ng barangay elections, ganito rin kaya ang senaryo?

Sandamukal ang basurang iniwan ng barangay election na ginanap noong Lunes. Maraming tarpaulin at mga telang streamer ang nakasabit sa mga poste at punongkahoy bukod pa ang mga nakadikit sa pader, haligi, waiting shed at kung saan-saan pa. Malamang nga, ang MMDA muli ang magtatanggal at maghahakot ng mga basurang ito. Wala nang ibang ahensiya ng gobyerno na aatasan sa paglilinis ng basura ng kandidato kundi ang MMDA. Sila ang magdurusa sa walang disiplinang pagkakabit at pagsasabit ng campaign materials.

Wala naman kasing ngipin ang Commission on Elections (Comelec) sa mga lumalabag na kandidato. Wala silang lakas para disiplinahin sa tamang paglalagay ng campaign materials ang mga kandidato. Dahil sa kawalan ng disiplina, kung saan-saan na lang ipinaglalagay o ipinagkakabit ang mga tarpaulin at streamers. Mayroong lumampas pa sa tamang sukat. Walang magawa ang Comelec kundi ang magbanta. Noong May 13 elections, nagbanta rin ang Comelec sa mga kandidato pero wala ring nangyari sa banta.

Mas maganda siguro kung ipatutupad ng Comelec­ sa mga kandidato na ang kanilang mga basura ay dapat sila ring ang magtanggal at mag­.hakot. Kanya-kanyang basura, kanya-kanya ring hakot. Kapag hindi hinakot ng kandidato ang kanyang basura, huwag siyang paupuin kung nanalo.

Makipag-ugnayan din ang Comelec sa MMDA at DENR kaugnay sa mga basura ng kandidato. Mahalaga ito sapagkat ang mga basura ng kandidato (lalo ang tarpaulin) ay maaaring maging dahilan ng pagbaha sa Metro Manila. Kapag hindi agad natanggal ang mga tarpaulin at abutan ng bagyo, matatanggal ito at liliparin ng hangin. Ito ang magpapabara sa drainage at lilikha ng pagbaha na mala-“Ondoy”.  Sa mga nanalong barangay officials, kayo ang ma­nguna sa paglilinis. Umpisahan n’yo ang paglilinis sa inyong basura.

BASURA

COMELEC

KANDIDATO

KAPAG

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG MAY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with