‘Nagpapanggap na kasambahay’
MAG-INGAT sa mga nag-aaplay na kasambahay. MoÂdus ngayon ng mga dorobo’t manggagantso ang magpanggap para makasalisi at makapagnakaw.
Huwag pakakasiguro. Huwag papaka-kampante at magtitiwala. Dahil ang mga inaasahan ninyong magbabantay sa inyong mga bahay, ang siya palang maglili- mas ng inyong kagamitan at ari-arian.
At bago mo pa madiskubre ang kanilang aktibidades, nakalayo at nakaeskapo na sila sa inyong pamamahay.
Bistado na ng BITAG ang hokus-pokus na ito ng mga dorobo. Estilo nila ang magpanggap na aplikante bilang isang kasambahay.
Para mapaniwalang malinis ang kanilang pakay magpapasa sila ng dokumentong legal tulad ng police clearance.
Kapag kinagat mo ang kanilang panggogoyo, dito na nila gagawin ang totoo nilang motibo at maitim na balakin.
Ilang beses nang nakapambiktima si Arlina gamit ang ganitong estratehiya.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG at mga awtoridad, nabatid na matagal na niya itong modus. Nagpapalit-palit siya ng pangalan para makadenggoy at makapamÂbiktima.
All Points Bulletin ng BITAG sa publiko partikular sa mga naghahanap ng mga kasambahay, laging maging alerto at huwag agad-agad magtitiwala sa mga lumalapit at mga estrangherong nag-aaplay.
Mabuting i-verify muna ang totoo nilang katauhan sa pamamagitan ng background checking at pakikipag-ugnayan sa mga agency, kung mayroon man at mga awtoridad.
Mag-ingat. ‘Wag papakasiguro sa kanilang mapanlinlang na pakikitungo at paimbabaw na ugali upang hindi kayo ma-BITAG sa kanilang aktibidades.
pamamagitan ng background checking at pakikipag-ugnayan sa mga agency, kung mayroon man at mga awtoridad.
Mag-ingat. ‘Wag papaÂkasiguro sa kanilang mapanlinlang na pakikitungo at paimbabaw na ugali upang hindi kayo ma-BITAG sa kanilang aktibidades.
- Latest