Tayo ba ay pariseo o publikano?
MAKATARUNGAN ang Diyos, wala siyang itinatangi, hindi Siya kumikiling kaninuman at dinirinig Niya ang mga inaapi. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay marami pa sa atin ang puno ng pag-aalinlangan, pagtatampo sa Diyos. Kadalasan ay tinatanong pa natin ang ating sarili, ganoon ba talaga ang Diyos? Hindi Siya kumikiling kanino man. Siya ay makatarungan.
Hindi natin maarok ang kalooban ng Diyos. Sa mga pangyayari sa ating buhay ay nahihiwagaan tayo sa Kanya. Sa mga kaguluhan sa ating kapaligiran ay hindi natin maubos maisip ang tunay na takbo ng buhay. Patuloy tayong manalangin ng may kapakumbabaan sapagka’t ito’y lumalampas sa mga ulap hanggang makarating sa Panginoon.Ang patuloy nating panalangin ay makarara-ting sa kataas-taasan upang igawad Niya ang katarungan.
Maging si Pablo ay maligaya na sa kanyang pagli-lingkod, dumarating na ang oras ng kanyang pagpanaw, natapos na ang dapat niyang takbuhin, nananatiling tapat sa pananampalataya, makakamtan na niya ang korona ng tagumpay. “Ang Panginoon ang magliligtas sa akin. Siya rin ang maghahatid sa akin sa Kanyang kaharian sa langit,†sabi ni Pablo.
Maging ang parabola ni Hesus ay napakagandang paalaala sa atin upang maisa-puso at maisa-buhay ang landas ng Panginoon. Tayo ba ay wagas sa ating pana-nalangin? O baka naman ito’y pawang mga salita ng dila lamang. Katulad ba nating manalangin ang isang pariseo sa templo: “O Diyos salamat naman at di ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya, nangangalunya o katulad ng publikanong ito. Nag-aayuno at nagbibigay ng ikapuâ€. Sa iba’t ibang relihiyon ay masasabi ko na ang tunay na Katoliko Romano lamang ang walang ikapu. Hindi itinuro ni Hesus ang pagbibigay ng ikapu.
Naroon din sa templo ang isang Publikano na nagdarasal sa Panginoon: “O Diyos mahabag po kayo sa akin isang makasalananâ€. Wagas at taimtim ng kanyang pagsisisi. Siya ang kinalulugdan ng Diyos, sapagka’t ang “Nagpapakataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataasâ€. Ang wagas na panalangin ay pawang papuri sa Diyos at paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan.
Sirakm 35:15b 17, 20-22; Salmo 33, 2Timoteo 4:6-8, 16-18 at Lukas 18:9-14
- Latest