^

PSN Opinyon

Kapag may trabaho, magtrabaho

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP maghanap ng trabaho. Marami ngang bagong graduate na wala pang mga trabaho. Kaya kung may trabaho ka na, bukod sa magpasalamat ay kailangan maging masipag para umasenso. Pero may ilan na tila walang takot na matanggal, dahil hindi sineseryoso ang trabaho. Kailan lamang, naiulat ang dalawang empleyado sa NAIA na nahuling naglalaro ng computer games, habang nakaupo sa kanilang istasyon sa nasabing paliparan. Wala ngang taong nakapila sa istasyon nila, pero kita rin sa larawan ang napakahabang pila sa ibang istasyon.

Siyempre, ang unang reaksyon ay napakasama. Habang mahaba ang pila sa isang istasyon, eto naman ang dalawa, na malinaw ay nasa oras pa ng trabaho, na naglalaro lamang. Napag-alaman na ang kanilang istasyon pala ang nag-aasikaso sa mga papeles ng mga paalis na OFW, at walang OFW na nakapila sa oras ng pagkuha ng litrato. Hindi rin sila tauhan ng NAIA, kundi ng POEA. Ganun pa man, tama ba ang kanilang ginawa? Siyempre hindi. Ito ang mahirap sa maraming empleyado. Akala ay puwede nang gawin ang kahit ano kung wala namang “ginagawa”. At kung naka-break naman, hindi rin sila dapat naglalaro sa kanilang istasyon, dahil kagamitan din naman ng gobyerno ang mga computer. Kahit saan tingnan, mali talaga lahat, at kung kailan isa na naman ang NAIA sa pinaka-masamang paliparan sa mundo! Tila pinatunayan lang nila kung bakit.

Sa Muntinlupa naman, walong pulis ang sinibak sa trabaho dahil palaging absent o late sa pagpasok. Gumawa nang biglaang inspeksyon si NCRPO chief Marcelo Garbo sa Muntinlupa at nalaman ang masamang kaugalian ng mismong mga opisyal ng istasyon. Kaya ipadadala sila sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para magsanay muli para maging huwaran na pulis. Kaya? Sana naman dahil sa ginawang pagsibak sa walo, maging babala na rin sa lahat ng pulis na may masamang ugali pagdating sa pagpasok sa trabaho. Halimbawa na naman ng walang respeto sa kanilang trabaho, basta makasahod lang. Maling ugali talaga, at pulis pa naman. Sigurado ako hindi lang sa Muntinlupa nagaganap ang ganyang kaugalian, kundi sa marami pang mga presinto. Hindi na talaga alam kung may nakakakita na sa masamang ugali, na mapapaskil na lang sa internet, o kung biglang mag-inspeksyon ang nakatataas. Ang leksiyon, kapag may trabaho, magtrabaho. Kung hindi, tiyak mawawala ito.

 

vuukle comment

CAMP BAGONG DIWA

ISTASYON

KAYA

KUNG

MARCELO GARBO

MUNTINLUPA

NAMAN

SA MUNTINLUPA

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with