‘Modus: Abang sa bahay carnap’
PINAG-IINGAT ng kolum na ito ang lahat ng mga may-ari ng pribadong sasakyan. Partikular ang mga babaing nagmamaneho lalo na pagsapit ng gabi.
Hindi dahilan na malapit ka na sa iyong bahay ika’y ligtas na. Ito ang estilo ng modus na ito. Bibiktimahin ka malapit sa bahay mo mismo at kapag ika’y nakahinto na.
Hindi namimili ang mga suspek na isagawa ang modus, lalaki man o babae. Bago pa man, isagawa, napag-aralan na ng mga suspek ang kanilang bibiktimahin. Oportunidad na lang ang kanilang hinintay.
Kaya huwag maging kampante kapag malapit na sa inyong bahay. Kahalintulad ng modus na ito sa estilong ginawa sa advertising executive na si Kaye Davantes noong nakaraang buwan.
Nitong buwang ito sa Marikina City, nabulilyaso ang modus ng “Abang sa bahay carnap†dahil mabilis ang pang-amoy ng lalaking drayber.
Hindi nataranta ang biktima sa set-up ng mga suspek. Nang namataan ng biktimang nakaabang ang mga tatlong karnaper malapit sa kanyang bahay, hindi siya huminto. Ni-lampasan niya ang mga suspek. Mabilis na tinuluy-tuloy niya ang takbo. Nang matunugan ng mga nakaposteng karnaper na bistado na ang kanilang modus, agad silang nagpulasan.
Tandaan, maging mapagmasid, maging listo sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon, lalo na’t pagsapit ng gabi kapag malapit ka na sa bahay mo.
‘Di bale nang tawaging “praning†kaysa luhaang mabiktima. Kung may luha pang lalabas sa iyong mga mata. At kung maididilat mo pa ang iyong mga mata.
Mga pulis sa Marikina, nahihiwagaan sa modus na ito? Para sa kanila, bagong estilo “raw†ang modus na ito! Tsk..tsk..tsk..
- Latest