Paging Foton Philippines
IBIG kong bigyang daan ang reklamo ni Ms. Ginalyn Serrano ng Imus, Cavite na humihingi ng saklolo sa top management ng Foton Motors kaugnay ng nabili niyang view van noong September 30 ng taong ito na nagkaroon ng di maunawaang depekto sa brakes na laging umiinit.
Biyaheng Ilocos daw sila noong Oktubre 6, 2013 na araw nang Linggo nang mapuna ng driver na may kakaibang langitngit sa pagtapak ng brakes. Natuklasang sobra ang init ng brake at kung nagkataon, baka sumabog ang gulong at naaksidente sila.
Sarado ang mga accredited na talyer ng Foton dahil Linggo kaya nang tumawag si Ms. Serrano sa telepono ay pinayagan siya ng Foton na ipagawa sa kahit saang talyer. Nang sumunod na araw daw ay nagpadala ang Foton ng dalawang tauhan nito pero wala naman daw dalang kagamitan sa pagkumpuni. Meron daw miscommunication.
Tinawagan daw siya ng kinatawan ng Foton na si Cheryl Cabangon na huwag na lang gamitin ang van muna at mag-taxi na lang pauwi. Yun lang daw ang “only option.†Pero sila’y nasa malayong lugar sa Ilocos Norte. Hangga ngayon ay wala pang nangyayari at hindi magamit ang sasakyan pero obligado siyang magbayad ng buwanang hulog na P27,000 sa banko. Nakapagbayad na siya ng down payment na P174,600.
Pinapabalik-balik daw si Ginalyn ngunit hangga ngayo’y wala pa ring nangyayari sa kanyang nakatiwangwang na sasakyan.
Sa kakulangan ng espasyo ay hindi ko na matalakay ang buong detalye pero batid kong prestihiyosong kompanya ang Foton Philippines at baka dapat lang baguhin ang sistemang ipinatutupad ng mga nakabababang tauhan nito. Nagkaroon na raw ng dalawang pag-uusap si Ginalyn at mga kinatawan ng Foton sa Cavite na sina Angela Azurin at Jose Generoso Jr. Ang katuwiran daw nang babaing kinatawan ay “hindi naman kami ang gumawa niyan (Van).†Siguro ang ganyang salita ng isang representante ng kompanya ay wala sa hulog at dapat pagsabihan at disiplinahin ano po?
Dahil hindi makakuha ng access si Ginalyn sa CEO ng kompanya nagpasya na raw siya na idulog sa media ang kanyang problema sa pagbabakasakaling pansinin siya ng top management. Please lang po. Paki-asikaso ang problemang ito.
- Latest