^

PSN Opinyon

“Bulldozer ang binangga”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

“Bakit ako parurusahan para sa isang bagay na wala naman akong kasalanan? Bibigay na talaga yun nagkataong natapat sila sa akin,’ ani Paulo.

Nagtungo sa aming tanggapan si Benita Sadie, ina ni Paulo Sadie na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia nang magtungo sa aming tanggapan.

Si Benita, 59 taong gulang, taga Candaba Pampangga at ang kanyang asawang si Fernando, 60, ay pawang magsasaka sa kanilang lugar.

Lahat ng mga anak nila’y nagtrabaho bilang construction worker sa Pampangga. Ang kanilang pangatlong anak lang na si Paulo ang naglakas loob mangibang bansa para tulungan silang maiahon sa kahirapan.

“Inuuna niya ang kapakanan namin bago ang sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na sa kanya pa mangyayari ang mga bagay na iyon,” dagdag niya.  

Isang malaking pagsubok para sa pamilya nila nung malamang napaalis sa trabaho si Paulo na tanging tumataguyod ng pamilya.

Kwento ni Benita tinawagan daw siya ni Paulo nung Marso taong 2013 dahil siya’y sinita siya ng kanilang foreman na Sudanese sa Riyadh.

Si Paulo, 31, ay nagtrabaho na sa Gitnang Silangan nung taong 2008. Nang matapos ang kanyang kontrata, umuwi siya sa Pilipinas at nag-apply muli upang makabalik sa Saudi.

Ika-29 ng Enero taong 2013 muling nakaalis ng bansa si Paulo patungong Gitnang Silangan upang maging Operator ng Heavy Equipment sa ilalim ng ahensyang ELBEITAM MA­NAGEMENT SERVICES.

Hindi niya inalintana ang minimum wage ng kompanya. Ang nasa isip niya kailangan niyang magpunyagi para may maipadala sa mga magulang na nasa probinsya.

Matapos ang tatlong buwan niyang pagtatrabaho sa Riyadh, sinita si Paulo ng kanyang foreman dahil nasira ang heavy equipment na hinahawakan niya. Hindi naman raw niya maipaliwanag kung bakit nasira ang “bulldozer” na hawak niya.

Kinompronta agad siya ng foreman kung bakit niya sinira yung ‘bulldozer’ ngunit sumagot lang si Paulo na hindi niya kasalanang nasira yun at natapat lang daw sa kanya.

Humingi rin ng tawad si Paulo sa foreman na Sudanese ngunit naging bingi ito sa kanya. Dahil walang maipakitang katibayan si Paulo na hindi nga siya ang nakasira ng “bulldozer”, tinanggal agad siya sa trabaho nang hindi binibigyan ng sweldo.

Mula noo’y hindi na nakapagtrabaho si Paulo. Wala raw kasi siyang makitang pwedeng applyan dahil hindi sila binigyan ng “iqama” ng pinagtatrabahuhan. Ang “iqama” ay ang working permit na makapagsasabi kung pwede kang mamalagi at magtrabaho sa Saudi.

Hulyo taong 2013 namalagi na muna si Paulo sa Runaway Compound sa Riyadh. Pati ang pagkain raw niya ay hinihingi lang niya sa mga kapwa Pilipino. Kaya tinawagan na niya ang ina para magpatulong na makauwi siya ng bansa.     

Nangako naman si Benita sa anak na gagawin ang lahat upang matulungan siyang makabalik. Dun na siya nag desisyong lumapit sa aming tanggapan.

“Wala na kaming ibang hiling na pamilya kundi ang makauwi siya. Kahit wala siyang dalang pera basta lamang makauwi at makasama na namin siya. Yun na lang ang hinihingi ko,” ani Benita.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Benita Sadie.

Sinabihan namin si Benita na kakausapin namin ang Ambassador ng Pilipinas para sa Riyadh na si Ezzedin Tago pati na rin si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Rafael Seguis upang matulungan ang anak niyang si Paulo.

Bilang tugon sa aming hininging tulong, nagpadala ng liham si Usec Seguis sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh at sinagot ito ni Ebrahim Zailon ng:

“Sir, nakausap ko na rin si paulo, takas sya since april 2013. He was issued travel permit but yet to have an exit visa. Our office will resume on wednesday, 16 oct.  I advised him to see on that day. Will keep u updated.”

Inaantay pa namin ang resulta ng pag-uusap ng embahada ng Pilipinas at ni Paulo at ibabalita namin ito sa lalong medaling panahon.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES dapat sana’y kinausap ng ELBEITAM MANAGEMENT SERVICES ang kompanyang pinagtrabahuhan ni Paulo sa Riyadh para mabigyan siya ng ‘exit permit’ at para na rin makabalik na ng bansa si Paulo.

Bilang tulong nakipag-ugnayan kami kay DFA Usec Rafael Seguis para matulungang makauwi ng bansa si Paulo sa lalong madaling panahon. Hangad namin ang magandang resulta ukol sa usaping ito.

Sa sandaling makakuha kami ng update sa kasong ito, ibabalita namin sa inyo ang nangyari kay Paulo. (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ)

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maaari kayong mag-text sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa amin sa [email protected]. pamamagitan ng email sa [email protected]

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

BENITA

BENITA SADIE

NAMIN

NIYA

PARA

PAULO

PILIPINAS

RIYADH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with